Chapter 13: The President
***
Mabilis lumipas ang mga araw. Bumalik ang team namin sa pagsasanay. Isang buwan ngang hindi lumabas ng academy sina Finn or so I thought. Hindi ko naman sila palaging nakakasama pagkatapos ng training. Nagpasalamat din ako sa section ng asterisk lalo na sa mga kaklase kong tumulong sa pagligtas sa akin. Humingi din ako ng tawad sa kanila. Napangiti pa ako non nang sabihin ni Pauline na ginawa nila yun dahil kabilang ako sa section nila at pamilya na ang turing nila sa akin. They also assured me na hindi sila lalabas ng academy ayon sa parusa nila kaya dapat hindi na ako mag-alala.
Pero napansin ko ang pag-iiba ng mga kilos ni Finn. Isang linggo pagkatapos ng pagkakasagip sa akin, parang iniiwasan niya ako. Hindi niya na ako sinasanay sa pagpapalabas ng bola ng enerhiya. Ayon sa kanya, maayos ko nang nagagawa iyon at kailangan ko na lang palakasin. Tumango na lang ako at saka hinayaan siya.
Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwasan pero hinayaan ko na lang din siya. Nag-focus na lang ako sa training namin. Pero kahit na ganon, palagi ko siyang nakikitang nakatingin sa akin. Palagi ko rin napapansin na parang lagi siyang puyat at pagod. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang palagi niyang pagsusuot ng itim na gloves na parang may tinatakpan siya sa kanyang mga kamay.
Napabuntong hininga ako at pinahid ang pawis ko sa noo at leeg. Hinihingal akong lumingon kay Kit na siyang kalaban ko ngayon. Ilang beses na rin kaming naglaban at masasabi kong palakas siya ng palakas. Ni hindi ko man lang siya mapantayan.
"Bumibilis na ang mga kilos mo. That's good," aniya habang hinihingal na rin.
"Thank you. Ikaw rin. Lalo kang lumalakas," sabi ko habang nakangiti.
Nag-bow kami sa isa't isa bago lumingon sa seryosong si Sir Nero.
"Very good guys. You're really improving faster than I expected," seryosong sabi niya pero nakikita sa kanyang mga mata ang kasiyahan.
Nagpasalamat kami sa kanya at isinauli ang armas na ginamit namin sa laban. Tinitigan ko muna ang espada ng aking ina bago ilagay sa lagayan. Naglakad kami ni Kit papunta sa upuan kung nasaan ang aming teammates.
"Nice," puri ni Rui nang makaupo kami ni Kit sa sofa. Tumabi ako sa kanya at si Kit naman ay kay Bon tumabi.
"Thanks," sabi ko sabay lingon kay Finn na tamad na nakasandal sa kabilang sofa at tulalang nakatingin sa kawalan. Katabi niya si Palm na seryosong nakikinig kay sir Nero. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin kay sir Nero na kasalukuyang nagsasalita.
Napanguso na lang ako. Magdadalawang buwan nang iniiwasan niya ako. Kahit na pilitin kong balewalain at kalimutan na lang, hindi ko maiwasang malungkot at masaktan.
Palihim akong lumingon uli sa kanya. May sinasabi sa kanya si Palm at tumatango lang siya. Nag-iwas ako ng tingin nang ambang lilingon siya sa direksyon ko."Sige. Bukas ulit. Magpahinga na kayo," ani sir Nero.
Nagsitayuan kami at nagpasalamat sa kanya.
"Finn. Can I talk to you in private?" asked sir Nero.
Tumango naman si Finn nang walang emosyon.
Tahimik naman kaming naglakad at lumabas ng training room. Napasulyap pa ako kay Finn ng bumontong hininga siya ng lampasan ko lang siya. Bago nagsara ang pintuan, nakita ko pa ang walang emosyon niyang mukha na nakatitig sa akin.
"Dumaan muna tayo ng Canteen. Gutom na ako. Kakapagod ang training," sabi ni Bon habang hawak ang tiyan.
"Mapapagod ka talaga sa ginawa mo kanina," natatawang sabi ni Rui.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...