Chapter 22: Second Battles (The Swindlers)***
"Sino ka?" tanong ko habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng ripped jeans at puting sando. Maamo ang kanyang mukha at nakatali ang mahabang buhok niya. Hindi ko nga lang alam kung isa siyang estudyante ng isang academy. Nagtataka rin ako kung paano niya nalaman ang first name ko.
"Hindi na importante yun. Mukhang naliligaw kayo ah?"
Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso ni Finn at saka siya ngumiti ng matamis kay Finn. Marahan akong bumitaw sa braso niya at lumingon sa nagtatakang mukha niya.
"What a coincidence," sabi ng babae habang nakangiti pa rin kay Finn.
"I don't think so. Heto na pala ang flashlight na pinahiram mo sa akin kahapon." Kinuha ni Finn ang flashlight na nasa bulsa ng kanyang jacket at saka ito hinagis sa babae. Nasalo naman ito ng babae.
Nagtataka akong tumingin kay Finn. Nagkita na sila ng babae kahapon?
"How rude. Wala man lang thank you?"
"Are you following us?" tanong ni Finn.
"Why would I do that?" natatawang tanong pabalik ng babae.
"Bakit nga ba?" seryosong tanong ni Finn.
"Oh come on! Stop overthinking Finn Cartner. Nakakabawas ng kagwapuhan yan."
Napaawang ang labi ni Finn sa gulat dahil siguro sa pagkakaalam nito ng pangalan niya. Naglakad palapit sa amin ang babae at nanliliit ang mga matang tumingin sa mga daan. Nilampasan niya kami. Sumunod naman kami ng tingin sa kanya.
"Dito ang tamang daan palabas ng gubat." Turo niya sa isang daan pakaliwa. "Sumunod kayo sa akin," aniya at nagsimulang maglakad.
"Bakit naman kami susunod sayo?"
Napatigil sa paglalakad ang babae sa tanong ni Finn. Nilingon niya kami at saka sumeryoso.
"Kung gusto niyong manatili dito ng matagal at hindi makarating sa laban niyo, kayong bahala." Nagkibit balikat siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagkatinginan kami ni Finn. Alam kong wala siyang tiwala sa babae pero kailangan na namin makalabas ng gubat na ito. Mukha namang may alam ang babae sa mga daan. Hinigit ko si Finn upang makasunod kami sa babae. Nagpatinaod naman siya kahit labag sa loob niya.
Tahimik kaming naglalakad kasunod ng babae. Seryosong nakatingin si Finn dito na parang binabantayan ang kilos nito.
Makalipas ang mahigit isang oras na paglalakad kasama ang babae, nakarating na rin kami sa labasan ng gubat. Napaawang ang labi ko sa mangha at di makapaniwala na sa wakas ay nakalabas na rin kami sa gubat. Nakikita ko na rin ang academician arena at iba pang buildings sa paligid.
Nakangiti akong tumingin sa babae na nakangisi sa reaksyon ko.
"Maraming salamat sa tulong mo," sabi ko sa kanya.
"Maliit na bagay kumpara sa..." kumunot ang aking noo nang hindi narinig ang huling sinabi niya.
"Huh?"
"Anyway, kailangan ko ng bumalik sa amin. Siguradong hinahanap na niya ako para makapagbalita. Bumalik na rin kayo sa mga kasama niyo. Siguradong hinahanap na kayo nila." Tumalikod siya sa amin. Nakakadalawang hakbang palang siya ng lumingon ulit sa amin at tumingin sa akin.
"And Janina! Bago ko makalimutan, paalala lang please mag-ingat ka. Huwag kang tanga. Alagaan mo ang sarili mo lalo na ang kamay mo. Okay?"
"Sino ka ba talaga? Bakit mo kami kilala?" kunot noong tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...