Chapter 25: Second Battles (Poison)

3.3K 141 6
                                    


Chapter 25: Second Battles (Poison)

***

"Sa wakas nagkaharap na din tayo. Matagal na kitang gustong makalaban." Naglakad ng marahan si Gyo paikot sa ring habang nakangisi kay Finn na ganun din ang ginagawa. Mabagal silang humahakbang paikot habang nagkakatinginan. Parang pinag-aaralan palang nila ang galaw ng isa't isa.

"Mabuti na lang nanalo ang dalawang kagrupo mo, kundi hindi tayo magkakaharap." Yumuko si Gyo at tiningnan ang hawak niyang espada. Marahan niyang hinaplos ang talim nito habang nakangisi. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngiti niya. Parang may binabalak siyang masama kay Finn.

"Tsk. Ang yabang talaga ng lalaking 'to," sabi ni Bon.

Lumingon ako kay Finn na tahimik lang na nakatingin sa kanyang kalaban. Kumunot ang aking noo ng mapansin ang malalalim na kanyang paghinga. Nakaawang ang kanyang labi at ilang beses kung kumurap.

"Wala ka bang sasabihin man lang bago tayo maglaban?" tanong ni Gyo kay Finn.

"Ano namang sasabihin ko sayo? Ano ba ang gusto mong marinig?" Napangisi si Finn.

"You know, hindi ko tinatapos ang laban hangga't hindi pa patay ang aking kalaban. Kaya baka may gusto kang sabihin bago ko taposin ang buhay mo."

"Baka ikaw ang may gusto pang sabihin. Kanina ka pa dakdak ng dakdak eh." Nagpalabas ng enerhiya si Finn sa kanang kamay niya. Kulay puti ito at naging hugis espada. Nagdilim naman ang tingin ni Gyo sa kanya.


"Tama nga sila. Mayabang ka nga."

"Saang parte naman ng sinabi ko ang mayabang?" Nang-iinis na sinabi ni Finn.

"Magsisi ka na nakaharap mo pa ako!!" Binalot ng enerhiya ni Gyo ang hawak niyang espada at saka siya sumugod kay Finn.

Sinangga ni Finn ang espada ni Gyo gamit ang kanyang espada na galing sa kapangyarihan niya. Naging mabilis ang kanilang galaw habang nakikipaglaban sa isa't isa. Napapakurap ako sa mangha. Hindi ako makasunod sa bilis nila. One moment, nasa gitna sila ng ring pero hindi pa nag-iisang segundo nasa gilid naman sila at sa iba't ibang parte pa ng ring. Nakita ko pa sila na naglalaban ng ilang segundo sa ere. Ganun sila kagaling.


Ilang minuto rin silang nag-espadahan bago sila tumigil at tumalon paatras sa isa't isa. Seryoso silang nagkatinginan habang parehong pinagpapawisan at hinihingal. Wala pa silang natatamong sugat sa kanilang katawan. Tiningnan ko ng mabuti si Finn. Tumutulo ang kanyang pawis at basa na rin ang kanyang buhok. Ilang beses siyang umiling na parang inaalog ang kanyang ulo. Paminsan minsan rin siyang pumipikit ng mariin na tila may dinadamdam siya.

Ilang minuto rin bago ko napagtanto na may mali kay Finn. Hindi naman siya dati ganyan kung makipaglaban at saka ilang minuto palang ang lumipas pero parang pagod na pagod na siya.

"Maraming nagsasabi na magaling ka raw. Pero parang hindi naman ata. Ni hindi mo nga ako nasugatan eh. Tsaka ang bagal mong kumilos," mayabang na sabi ni Gyo.

"Bakit hindi mo sabihin yan sa sarili mo?" ani Finn sabay sulyap sa tagiliran ni Gyo tsaka ko napansin ang unti-unting kumakalat na dugo sa puting damit na suot nito. Ngumiti si Finn sa kanya. Napahawak naman si Gyo sa tagiliran niya.

"Masyado kang hyper na makipaglaban sa akin na hindi mo napansin na nasugatan na pala kita," hinihingal na sabi ni Finn.

Hindi nagsalita si Gyo pero halata sa mukha niya ang inis kay Finn. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay napangisi siya.


"Ikaw pa lang ang unang taong nakalaban ko na una akong nasugatan. Mas gusto kitang patayin ngayon." Tumawa siya ng malakas na parang nababaliw.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon