Chapter 28: Story and Traitor

3.5K 173 0
                                    

Chapter 28: Story and Traitor

***

Pinunasan ko ang aking luha sa pisngi at inayos ang sarili. Nag-iwas ako ng tingin kay Finn na nanatiling nakatingin sa akin. Hindi naman makapagsalita si prof. Hera na parang nalilito at kinakabahan sa aming sitwasyon.

"Anong it's not true Finn?" tanong ni Bon na parang kakarating lang din kasama sina Rui, Kit at Palm.

"Nothin," sagot ni Finn at saka tumalikod. Inalalayan siyang maglakad ni Palm palayo. Napabuntong hininga ako.

"Ba't nandito ka sa kwarto nina Jane, prof. Hera?" nagtatakang tanong ni Rui.

"Uhm, sinabihan ko lang si Jane na magb-breakfast na tayo." Naglakad papunta sa pintuan si prof. Hera. Gumilid naman sina Rui para makadaan siya.

Lumapit sa 'kin si Kit na nagtataka ang mukha.

"Bakit ka umalis ng kwarto ni Finn? Alam mo bang nakita ka niya at nagmadali siyang sundan ka rito."

Napaawang ang aking labi at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni Kit.

"Tara mag-almusal na tayo. Gutom na ako," aya ni Rui at saka naglakad.

"Tara na Kit, Jane." Tumango si Bon sa amin. Naglakad na si Kit at tahimik naman akonh sumunod sa kanila. Ako na ang nagsarado ng pintuan ng aming kwarto tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami sa dining room, nandoon at nakaupo na sina Palm, ate Freya, sir FM, sir Nero at prof. Hera na parang naghihintay sa amin. Wala si Finn at ang kanyang ina.

"Umupo na kayo," sabi ni sir FM sa amin.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Rui pagkatapos kong sumulyap ng isang beses kay prof. Hera.

"Anong gagawin niyo ngayong araw?" tanong ni sir Nero sa amin habang kumakain.

"Manonood kami ng laban ng mga academy baka sakaling may malaman kami tungkol sa makakalaban namin sa semi-finals," sagot ni Bon.

"Magsasanay rin kami." Tumango sina Bon at Rui sa sinabi ni Kit.

Naisip ko naman ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan at makausap. Siya lang ang makakasagot ng aking mga tanong. Alam kong may kulang at mali sa mga sinabi sa akin ng ina Finn. Sigurado ako r'on. At umaasa akong mali ang sinabi niya na anak ako ng kapatid niya.

Pagkatapos naming kumain, nagligpit at naghugas kami nina Kit at Palm ng mga pinggan. Tahimik lang kami ni Palm habang nakikinig sa mga sinasabi ni Kit tungkol sa gagawin niyang pagsasanay kahit na hindi pa masyadong magaling ang kanyang mga sugat.

Dumiretso kami sa living room pagkatapos ng aming ginawa. Tanging si sir Nero lang ang aming naabutan na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro.

"Lumabas sina Bon at Rui para magsanay," sabi niya kahit hindi pa kami nagtatanong.

"Tara sumunod tayo sa kanila," aya ni Kit.

"Hindi na muna ako mag-iinsayo. Susunod na lang ako mamaya," sagot ni Palm at saka naglakad paalis. Papunta sa direksyon kung nasaan ang kwarto nina Finn.

"Ikaw Jane?"

"Magpapahinga na lang muna ako." Tipid kong nginitian si Kit na bahagyang nakasimangot na.

"Sige. Puntahan ko lang sina Bon," aniya at saka umalis ng unit.

Umupo naman ako sa mahabang sofa sa harap ni sir Nero. Tinitigan ko siya. I wonder kung may nalalaman siya tungkol sa aking ina at sa kapatid ng President na si Sean.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon