CLARINES ACADEMY: Epilogue

5.2K 185 52
                                    

Hi! Thank you so much for making it this far. It really means a lot to me. I hope this story made you happy even for awhile . Love lots and God Bless.

CLARINES ACADEMY: Epilogue

***

"What do you think of this?" tanong ko kay Finn habang pinapakita ang isang lantern na may katamtamang sukat.

Nandito kami ngayon sa downtown ng Clarines para bumili ng lanterns na gagamitin mamayang gabi sa closing ceremony ng open academy day sa Clarines Academy. Kaming dalawa ni Finn ang nautusan ni Prof. Hera na bumili. Busy ang lahat sa academy dahil sa selebrasyon.

Isang taon na magmula nang matapos ang academician battle. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi parin ako makapaniwala na nalampasan namin yun at kami ang nanalo. Hindi ko parin maiwasang malungkot kapag naiisip sina Kit at Rui. Namimiss ko sila. Mas masaya sana kung nandito sila.

"It's perfect." Tamad na tiningnan ito ni Finn. Kinuha niya sa aking kamay ang lantern. "Ito na ang bilhin natin." Nagtungo siya sa cashier habang hawak ang lantern. Nanatili naman ako sa aking kinatatayuan at sinundan na lang siya ng tingin.

Tinupad ni Finn ang pangako niya kay Rui. There's no more academician battle. Dahil ang academy namin ang nanalo sa academician battle, hiniling ito ni Finn sa bagong head ng competition committee which is my Dad. Kasama sa committee ang bawat president ng bawat academy. Pati si Sir Nero at Prof. Hera ay tinalaga ng aking ama bilang officials ng competition.

Hindi sila nagdalawang isip na pumayag sa kagustuhan ni Finn. Pero nagkasundo sila na gumawa ng bagong competition. Yung walang patayan at tanging kasiyahan lang.


"We'll order one thousand pieces of this. Paki-deliver na lang sa Academy. Thank you."


"No problem, Sir Finn." Ngumiti sa kanya ang cashier habang tinatanggap ang pera. Tumango si Finn at bumalik sa'kin.


"Let's go." Inakbayan niya ako at hinigit palabas ng shop. Napahawak ako sa likod niya at nagpatangay sa paglalakad. Patingin tingin ako sa paligid habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Kaunti lang ang taong nakikita ko dahil karamihan sa kanila ay nasa academy at nakikisaya. Sinusulit ang pagkakataon na makita ang academy dahil isang beses lang sa isang taon nila itong makikita at mapapasyal.


"Maglalakad ba tayo pabalik ng academy?" tanong ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Mukha siyang bata na tuwang tuwa habang naglalakad kami sa kalsada.


"That's a good idea. Mas matagal kitang masosolo." He smirked at me. Napailing lang ako sa kanya at napangiti. Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi alintana ang sikat ng araw.

Nitong nakaraang araw naging busy siya sa mga trainings niya. Sa susunod na taon siya na ang papalit sa kanyang ina bilang president ng academy. Mas magiging busy pa siya. Madalas din silang magkasama ng aking ama at kung saan saan pumupunta. Naaawa na nga ako sa kanya dahil halos wala na siyang pahinga. Pero masaya naman siya sa kanyang mga ginagawa. Kaya sulit ang pagod niya.

Sina Bon at Palm naman ay busy rin sa kanya kanya nilang buhay. Balak ni Palm sumabak sa pulitika at maglingkod sa bayan ng Clarines. Si Bon naman ay gustong maging trainer ng mga mag-aaral ng Clarines. Masaya ako para sa kanila. Mahal na mahal talaga nila ang mamamayan ng Clarines. Pati sila Jelly, Lucy, Tanya at Sakura ay may kanya kanya ring pangarap na gusto nilang tuparin.


Ako naman ay tinutulungan ni ate Freya sa pag-aaral ng medesina. Gusto kong maging doctor at makatulong sa mga pasyente. Napag-usapan na namin yun ni Daddy at nagkasundo kami na magpatayo ng Hospital sa Dentora. Hospital na libre para sa mga mamayang hindi kayang ipagamot ang mga sakit nila at walang perang pang-ospital.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon