Chapter 44: The Most Powerful

3.6K 134 6
                                    

Chapter 44: The Most Powerful

***

"And we're down to the last round of the final battle!" sabi ng babaeng announcer pagkatapos ng ilang minuto.

Ang tahimik na mga manonood ay biglang nag-ingay at nagsigawan. Hindi ko na maintindihan ang kanilang sinasabi. Iba-iba ang kanilang naging reaksyon matapos ang laban nina Rui. May nagagalit, nagrereklamo at naaawa.


"The previous fights are intense and full of actions. Kung na-shock kayo, siguradong mas masa-shock kayo sa huling laban ng Xavier Academy at Clarines Academy. Alam kong hinihintay niyo 'to. Ang paghaharap ng parehong leader ng bawat teams. Parehong malalakas ng kanilang henerasyon. Dito sa huling laban ng kumpetisyon, magkakaalaman na kung sino ba talaga ang pinakamalakas at karapat dapat na manalo sa Academician battles!!"

Naghiyawan ang mga manonood at panay sigaw ng teams na dapat manalo. Naririnig ko rin ang pangalan nina Finn at Knov na chini-cheer ng iilan.

Hindi pa ako nakabawi sa pagkamatay ni Rui. Ito na naman ako, natatakot at nangangamba para kay Finn. Masisiraan ata ako ng ulo kapag pati siya ay mawala sa amin. Hindi ko kakayanin yun.

"Wag na natin itong patagalin! Umakyat na sa arena ang parehong leader ng bawat teams! FINN CARTNER NG CLARINES ACADEMY AND KNOV KALIFA NG XAVIER ACADEMY!"


Bigla akong napahawak ng mahigpit sa kamay ni Finn na nakakuyom. Nag-aalala akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nagbaba s'ya ng tingin rito at marahang hinawakan saka tinanggal. Wala na akong makitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Pati ang mga mata niya ay parang nawalan na rin ng buhay.


"I will end this once and for all," malamig n'yang sinabi at saka kami tinalikuran. Tumulo ulit ang aking luha habang pinagmamasdan ang likod niya. Halohalo na ang nararamdaman ko. Awa para sa sitwasyon namin, sakit at pighati para sa mga importanteng taong nawala sa amin.


"Don't worry about him," ani Bon sa aking tabi. "He know what to do. Kilala ko si Finn. Siya yung tipo ng taong hindi marunong sumuko kahit gaano pa kasakit ang sitwasyon."


Pinunasan ko ang aking luha at nilingon siya. Medyo kalmado na ang kanyang mukha o pinipilit niya lang maging matatag. Kahit ano pa man yun, bilib ako sa kanya.

Tumango ako sa kanya kahit may pag-aalinlangan pa rin akong nararamdaman. Tumingin ako kay Finn na nakatayo na sa gitna ng arena deretso ang tingin kay Knov na nasa baba pa kasama ang ilang teammates niya. May pinag-uusapan pa ang mga ito. Pero makaraan ang ilang segundo, lumingon si Knov kay Finn at saka ngumisi.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa isang kurap ko lang nasa gitna ng arena na agad siya at mayabang na nakatingin kay Finn. Pakiramdam ko'y mas lumakas pa ngayon si Knov kaysa nung huli ko siyang nakita. Pinaghandaan niya talaga ang laban nila ni Finn.



"SIMULAN NA ANG LABAN!"


"Hayy salamat. Sa wakas makakaharap ulit kita Finn. Ilang beses na rin tayong naglaban pero hindi matapos tapos."


"Dahil duwag ka. Umaatras at palaging nagtatago."

"Ouch! Baka nga kung tinapos na natin noon ang ating laban, wala ka na siguro dito na nakatayo at kaharap ko ngayon." Ngumisi si Knov kay Finn at nilibot ang tingin sa buong arena bago ulit tumingin sa kanya.

"Paano mo ako matatapos, eh hindi mo nga ako kayang talunin," ganting sabi ni Finn.


Pekeng ngumiti si Knov sa kanya. "Don't worry Finn. We'll end this, right here, right now. At sisiguruhin ko na ako ang huling taong tatayo rito. Sa ating dalawa, isa lang ang matitira at ako yun." Biglang nawala na parang bula si Knov katulad kanina. Napaawang ang labi ko nang nag-appear siya bigla sa likod ni Finn.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon