Chapter 7: The training

5.8K 242 21
                                    

Chapter 7: The Training

***

"Damn it," ani Bon nang bumagsak siya sa sahig sa ikaanim na pagkakataon.

"Masyadong mahina ang pinakawalan mong enerhiya Bon. Hindi mo matatalo si Finn kung ganyan lang ang kaya mo," sabi ni sir Nero.

"Hindi ko naman talaga siya matatalo kahit anong gawin ko," nahihirapang sabi ni Bon habang bumabangon.

Ngumisi lang si Finn sa sinabi niya at napailing.

"Scratch him atleast," utos ni sir Nero.

"Sure. Sa mukha pa para mabawasan naman ang kaguwapohan niya."

Napasimangot si Finn sa sinagot ng kaibigan niya.

"I won't let you. Not my face bro."

Tumawa lang si Bon sandali at nagseryoso.

Huminga ng malalim si Bon at nagconcentrate para makapagpalabas ng enerhiya mula sa mga kamay niya.

Lumingon ako kay Finn na kalmado lang na nakatingin sa kaibigan niya.

"This is my last resort bro. Ilang linggo ko na rin itong iniinsayo. Sana magustuhan mo," ani Bon.

May lumabas na kulay dilaw na enerhiya sa magkabilang kamay niya. Ito ay dalawang flat na bilog. Ito ata ang ilang araw na pinaghihirapan ni Bon.

Pinakawalan ni Bon ang dalawang enerhiya na nasa mga kamay niya papunta kay Finn.

Nagulat si Finn sa bilis nito. Buti na lang nakaiwas siya sa dalawa. Muntik na siyang tamaan kung hindi lang mabilis ang kilos niya.

"Finn!" nag-aalalang tawag ni Palm kay Finn.

"Sa likod mo!"

Lumingon si Finn sa likod niya at nakita na pabalik sa kanya ang dalawa enerhiyang pinakawalan ni Bon.

Naiwasan niya ang isa na muntik nang makahiwa sa tiyan niya. Buti na lang agad siyang nakatalon. Pero yung isa, natamaan siya sa pisngi. Buti na lang daplis lang.

"Like a Boomerang? Nice," aniya atsaka pinahid ang dugong tumulo sa kanang pisngi niya.

"Am I improving Bro?" tanong naman ni Bon

"Ofcourse..." sagot ni Finn at nagpalabas ng puting enerhiya sa kanang kamay na hugis bola.

"But not enough," dugtong niya at binato niya ang bola ng kapangyarihan niya papunta kay Bon.

Nanlaki ang mga mata ni Bon at nagpalabas din sa isang kamay niya ng dilaw na hugis bola din ng enerhiya.

Nagbanggaan ang kanilang kapangyarihan. Kitang kita sa mukha ni Bon na nahihirapan siya dahil sa lakas ng enerhiya ni Finn. Napapaatras pa siya dahil dito.

"Fuck!" sigaw ni Bon nang maubos ang kapangyarihan niya. Tumama sa kanya ang kapangyarihan ni Finn at bumagsak siya sa sahig.

"Okay. Thats enough," sabi ni sir Nero.

Napabuntong hininga si Finn at nilapitan ang kaibigan niya.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Grabe pare. Alam kong hindi ka pa seryoso nun. Pero nahirapan ako. Ang sakit ng katawam ko," sabi ni Bon habang dumadaing sa sakit ng katawan niya. Gutay gutay na rin ang damit na suot niya.

Inalalayan ni Finn si Bon na makatayo at makaupo sa tabi namin.

"Ayos ka lang ba Bon?" tanong ni Kit ng makaupo na si Bon sa tabi namin.


CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon