Chapter 5: The Team
***
Nakakapanibago. Kung dati panay ang husga at taas ng mga kilay nila, ngayon naman panay ang ngiti at bati nila sakin habang naglalakad ako papunta sa upuan ko. Kumunot ang noo ko at napabuntong hininga. Tumango lang ako sa kanila.
"It looks like you gained their respect," bulong sakin ni Jell bago siya umupo sa upuan niya.
Sumulyap muna ako kay Finn na nakasubsub ang mukha sa armchair ng upuan niya tsaka ako umupo sa upuan ko.
"Kumusta ang mga sugat mo?" biglang tanong ni Bon.
Lumingon ako sa kanya.
"Maayos na," sagot ko.
"Sorry kung hindi ka namin tinulungan. Akala namin kaya mong pagalingin ang sarili mo," he said apologetically.
"It's okay. Hindi ko rin naman sinabi," sagot ko habang nakangiti sa kanya.
Sumulyap muna siya kay Finn na natutulog bago lumingon ulit sakin.
"Mabuti na lang nandon pa si Finn para tulungan ka."
"Oo nga," sagot ko at sumulyap ulit kay Finn.
Pansin ko sa kanya na palagi siyang natutulog sa loob ng klase. Hindi ba siya natutulog sa gabi? Ano kayang ginagawa niya at lagi siyang puyat?
"Nagtataka ka siguro kung bakit laging natutulog dito sa classroom si Finn. Panay ang sulyap mo sa kanya," sabi ni Bon habang nakatingin sakin.
Napakurap ako at hindi nakapagsalita dahil sa hiya. Napansin niya na lagi akong sumusulyap kay Finn. Baka kung ano ang isipin niya.
"Simula pa nung bakasyon, lagi na siyang kulang sa tulog dahil sa mga trainings niya. Lalo na at siya ang napiling mamumuno sa taong ito."
"GOOD MORNING EVERYONE!!" malakas na bati ni sir Hue pagkapasok sa classroom.
Natahimik at umayos ang lahat sa pagkakaupo maliban syempre sa lalaking nasa likod ko. Hindi talaga siya nagising sa lakas ng boses ni sir.
Linapag ni sir Hue ang mga dala niyang libro sa lamesa at lumingon sakin bago sa lalaking natutulog sa likod ko.
Napabuntong hininga na lang si si sir at nag-umpisa sa discussion niya.
"Our topic for today is all about fighting methods, strategies and techniques," simula ni sir at nilibot ang paningin sa buong klase.
"The first method is critical thinking method."
"Hindi lang lakas ng katawan at kapangyarihan o sandata ang ginagamit sa pakikipaglaban. Ginagamitan din ito ng utak." tinuro niya ang sintido niya.
"Hindi dapat magpadalosdalos sa pakikipaglaban. Hindi dapat sumusugod sa kalaban nang hindi nag-iisip. Dapat plinaplano ang bawat kilos at atake."
Humikab ako at tamad na tumingin kay sir na walang tigil sa pagsalita sa harap. Wala akong ganang makinig sa kanya ngayon. Isa pa alam ko naman na lahat tungkol sa mga tinuturo niya. At sa tingin ko alam na rin to ng ilang kaklase ko tulad ni Bon na nakahalukipkip at nakasimangot habang nakatingin sa harap.
Mas gusto ko kung actual at ia-aapply namin lahat ng tinuturo niya para malaman kung effective ba talaga lahat ng sinasabi niya.
Pagkatapos ng mahabang oras, tumunog na rin ang bell at natapos ang klase.
Naglabasan ang ilan sa mga kaklase ko. Tumayo na rin kami ni Jell at naglakad papunta sa upuan.
Nagkasalubong kami ni Palm at nagkatinginan. Pareho kaming walang emosyon na nakatingin sa isa't isa hanggang sa lampasan niya ako at dumiretso siya kay Finn na nanatiling tulog pa rin sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...