Chapter 32: Partner
***
Nagkatinginan kami nina Bon at Kit pagkatapos mawala ni Mr. David Wallace sa malaking screen. Parang parepareho kami ng mga iniisip. Kailangan naming mapatay ang aming makakalaban.
"Walang kaso yun sa'kin. Ilang beses na rin akong nakapatay dahil sa mga misyon natin. Nakapatay na rin ako ng isang beses dito sa competition kahit hindi sinasadya," sabi ni Bon sa'min.
"Ibig sabihin kailangan natin mapatay lahat ng myembro ng Midori Academy? I think it's too much." Bakas sa boses ni Kit ang takot at pag-aalala.
Napabuntong hininga ako. Tumingin ako sa grupong kalaban namin. Walang emosyon na mababakas sa kanilang mga mukha. Parang hindi sila nag-aalala para sa mga buhay nila. Katulad ng mga nakalaban na namin, ramdam ko sa kanila ang kumpyansa na mananalo sila sa labang ito.
"Kung yun lang ang paraan para manalo tayo, why not? Mukhang gusto rin naman nila tayong patayin," sabi naman ni Rui na nakatingin din sa Midori Academy.
"Paano kung may mamatay naman sa atin huh, ayos lang?" Walang sumagot sa tanong ni Palm. Mukhang napaisip sila sa tanong niya maliban kay Finn na nanatiling walang kibo at walang emosyon na nakatingin sa harap.
"Bahala na. Basta manalo tayo..." determinadong sinabi ni Bon.
"GOOD DAY EVERYONE!!" napahiyaw ang lahat ng manonood sa bati ng babaeng announcer na nasa gitna ng arena.
"Welcome to the Semi-finals of the Academician battle! The Battle between Midori Academy and Clarines Academy! Just like what Mr. David Wallace said, there are some changes of the game. At para maging mas exciting ito, by partners ang labanan!"
Medyo nagulat ako sa huling sinabi ng announcer. Ganun din ang mga kasama ko.
"That's mean, meron tayong tatlong round. Bawat round maglalaban ang mga napiling partner ng mga hurado sa bawat grupo. 1 win by pair lamang. Kaya simulan na natin 'to!" May binasa ang announcer sa maliit na papel na inabot sa kanya ng co-announcer niya.
"Para sa unang round ng laban sa pagitan ng Midori Academy at Clarines Academy, Steven and Sara ng Midori versus Bon and Kit ng Clarines!"
Nagkatinginan sina Bon at Kit. Bakas sa mukha ni Kit ang kaba. Kinakabahan din ako para sa kanila.
"Tara na," aya ni Bon kay Kit. "Don't worry. Hindi kita pababayaan."
Huminga ng malalim si Kit at tumango kay Bon. Sabay silang umakyat sa arena. Nandoon na din ang kanilang makakalaban na parang kumpiyansang nakatingin sa kanila. Siguro'y magkapatid itong sina Steven at Sara dahil magkahawig sila.
"Sa tingin ko mas malaki ang tsansa nating manalo ngayong pares pares ang labanan," sabi ni Palm.
"Are you sure huh? Parang ganun din ata ang iniisip ng ating kalaban. Magkapartner sina Kit at Bon. Madalas silang magtulungan sa training at komportable din sila sa isa't isa kaya may tsansa silang manalo sa laban. Sa tingin ko depende yun sa magpartner. Sana hindi ikaw ang makapartner ko dahil baka maging pabigat ka lang sa'kin." Nagkatinginan sina Palm at Rui ng masama sa isa't isa.
"As if naman gusto kitang makapartner. Baka ikaw pa ang magpahamak sa'kin." Umirap si Palm at tumingin na sa ring.
"SIMULAN NA ANG LABAN!"
Naging seryoso na ang mukha nina Bon at Kit habang nakatingin sa kanilang kalaban. Parang naghahanda at naghihintay sila sa atake nila.
"Kinagagalak namin na makalaban kayo," sabi ni Sara at sabay silang nag-bow ni Steven. Napakurap ako sa lambing ng boses niya.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...