Chapter 37: Revelations
***
Naalimpungatan ako dahil sa init at liwanag na nararamdaman sa aking mukha. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Ilang beses akong kumurap at tumingin sa paligid. Sumulyap ako sa bukas na bintana bago nilibot ang paningin sa paligid.
Nasaan ako? Hindi ako pamilyar sa silid na kinaroroonan ko. Napakunot noo ako nang hindi makita sa paligid si Finn. Naalala ko na magkasama kami nang nawalan ako ng malay. Nag-panic ako at agad na bumangon sa kama.
Napatingin ako sa braso ko nang mapansin na nagagalaw ko na ito ng mabuti na parang natanggal ang pagkabali nito. Magaan rin ang pakiramdam ko at wala akong nararamdamang sakit sa katawan. Nagkibit balikat na lang ako at tumayo. Kailangan kong makita si Finn.
"Finn!" tawag ko nang makalabas ng silid. Agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa sofa na may kaharap na dalawang babae.
Lumingon sila sa'kin. Mabilis naman akong naglakad patungo kay Finn at umupo sa tabi niya. Tiningnan ko ang kabuoan niya.
"Maayos na ba ang lagay mo? Wala ka na bang nararamdamang sakit? Yung mga sugat mo nawala ba?" sunod sunod na tanong ko habang nakahawak sa braso niya at tinitingnan ito.
"You healed me, so I'm fine. Dapat mas inaalala mo ang sarili mo. You overused your power. Lumaban ka at pinagaling mo pa ako." Bumuntong hininga siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagsisisi.
"H'wag kang mag-alala sa'kin. Maayos naman ang lagay ko. Tsaka yun lang ang maitutulong ko sayo." Yumuko ako dahil nanlabo ang aking mga mata dahil sa nagbabantang luha. Natakot ako nang makita ang kalagayan niya kaya hindi ako nagdalawang isip na pagalingin siya. Tsaka ni-overused niya rin ang kapangyarihan niya.
"Don't ever say that again." Tukoy niya sa huling sinabi ko. Pero yun ang tingin ko. Lagi niya akong nililigtas. At ngayon na may oportunidad na ako naman ang tutulong sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na gawin yun.
"Tinutulungan mo rin ako sa maraming bagay. At ang makita kang ligtas ay sapat na sa'kin. Ayos na ako roon." Dagdag niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Maayos rin ako kapag maayos ka," mahinang sinabi ko. Unti-unting umangat ang labi niya kaya napangiti na rin ako.
Napatigil lang kami nang biglang may tumikhim sa harap namin. Lumingon ako rito at una kong nakita ang babaeng nakangisi habang pinagmamasdan kami ni Finn. Kumunot ang aking noo. Pamilyar sa'kin ang mukha niya parang nakita ko na siya dati. Nagkatinginan kami.
"Nagkita tayo ulit. Ngayon alam ko na kung bakit lagi ko kayong nakikitang magkasama. Unang beses na tingin ko pa lang sa inyo, may napansin na ako. Sinasabi ko na nga ba." Mas lalo siyang ngumisi kay Finn.
"Ah." Naalala ko na. Siya yung babaeng tumulong sa'min ni Finn na makalabas ng gubat. Si Jade. Sinabi pa nga niya na sa susunod na magkita kami, malalaman ko na lahat.
"Hindi pa sana kami magpapakita kaya lang nangyari yun. Hindi naman namin pwedeng pabayaan kayo. Lalo na, na itong si Jane ay handang ialay ata lahat ng lakas niya para mapagaling lamang itong importanteng tao sa buhay niya." Sumulyap siya kay Finn bago tumingin sa'kin ng matagal.
Kumunot lang ang noo ko sa kanya. Hindi naman nagsalita si Finn na nasa tabi ko.
"Sino ka ba talaga? Ikaw ba ang nagpagaling sa'kin?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"No. I'm not the one who healed you."
Nagsalubong ang kilay ko. "Eh sino?"
"It's our mother," aniya sabay lingon sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...