Chapter 30: Sorrow

3.4K 142 2
                                    

Chapter 30: Sorrow

***

"I'm sorry. He's already dead."

"No!" sumigaw ang ina ni Finn at humagulhol ng iyak sa anunsyo ng doctor. Yumakap siya kay Finn na nakatayo lang sa gilid niya. Walang tigil naman sa kakaiyak si ate Freya at nakayakap din ng mahigpit kay Finn.

Tiningnan ko si Finn mula sa labas ng pintuan ng room. Mahigpit niyang niyayakap pabalik ang kanyang ina at kapatid. Walang emosyon ang kanyang mukha at parang nawalan din ng buhay ang kanyang mga mata.

Pagkatapos ng nangyari kanina, nanatili na siyang tahimik. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos niyang tawagin ang kanyang ama. Ang bigat sa dibdib  habang pinagmamasdan ko siya. Ako ang nasasaktan para sa kanya.

Siguro kung hindi ko siya hinigit palabas ng function hall, mananatili lang siya d'on. Mabuti na lang nakalabas kami bago kami tuluyang matabunan ng mga gumuguhong semento. Si Rui ang nagbuhat sa ama ni Finn papalabas at sina Bon,  Kit at Palm naman ang umalalay sa ina at kapatid ni Finn.

Sinubukan kong pagalingin si sir FM kanina pero wala na s'yang buhay. Kung may magagawa lang sana ako pero hindi sakop ng kapangyarihan ko ang bumuhay.

Sobrang nagagalit na ako kay general dahil sa ginawa niya. Hindi ko na napansin kanina kung nasan na siya pero sigurado akong nakatakas at nakaligtas siya.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga kasama ko na malungkot din na nakatingin kina Finn. Basa ang mga pisngi nina Palm at Kit dahil sa pagluha kanina.

Tumayo si sir Nero at prof. Hera mula sa pagkakaupo sa mga nakahilerang upuan sa labas ng hospital room ni sir FM. Lumapit sila sa amin.

"Bumalik na kayo sa hotel," sabi ni sir Nero sa amin.

"Kailangan ninyong magpahinga. May laban pa kayo bukas," sabi naman ni prof. Hera.

"Pero paano si Finn?" nag-aalalang tanong ni Palm habang nakasulyap kay Finn.

"Sasamahan ko sila at ako ang maghahatid kay Finn pabalik ng hotel. Kailangan niya rin makapagpahinga."

Sabay sabay kaming napabuntong hininga at saka tumango.

"Sasamahan kayo ni prof. Hera pabalik ng hotel."

"Let's go. Kailangan niyo na rin kumain." Naunang naglakad si prof. Hera sa amin. Lumingon ulit ako kina Finn. Nakatakip na ang buong katawan ni sir FM ng puting kumot pero nakayakap pa rin sa kanya ang ina ni Finn at humahagulhol. Ganun din si ate Freya. Nakaalalay naman sa kanila si Finn. Nakatalikod sa banda ko ang kanyang katawan kaya hindi ko na alam kung ano ang reaksyon niya. Malungkot akong naglakad at sumunod kina prof. Hera paalis.

Tahimik kami habang nasa biyahe pabalik ng hotel. Walang nagsalita sa amin hanggang sa makapasok kami sa aming hotel room. Tila'y parepareho kami na iniisip ang nangyari kanina at sa pagpanaw ni sir FM.

Dumiretso ako sa kwarto namin nina Palm para makaligo. Bumuntong hininga ako habang bumubuhos ang tubig sa ulo ko. Ramdam ko ang titig nila Rui sa akin kanina. Parang may gusto silang sabihin o itanong sa akin. Sigurado ako na tungkol yun sa pagkatao ko. Alam na nila na anak ako ng isang Janus John Suzuki.

Handa naman akong magpaliwanag sa kanila kaya lang natatakot ako sa kanilang magiging reaksyon, lalo na si Rui. Hindi ko alam pero ramdam ko ang galit niya sa akin kanina ng malaman niya kung sino ang aking ama.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng damit, lumabas ako ng kwarto namin at nagpunta ng sala. Naabutan ko sina Rui, Bon, Kit at Palm na nakaupo sa mga sofa at nanonood ng news sa telebisyon tungkol sa nangyari kanina sa function hall.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon