Chapter 26: Words

3.4K 157 5
                                    

Chapter 26: Words

***

Kanina pa hindi mapakali habang palakad lakad  si Palm at tumitingin sa kwarto kung nasaan si Finn. Labis ang kanyang pag-aalala nang malaman ang kalagayan ni Finn. Hindi ko naman siya masisisi dahil ako ay labis din na nag-aalala.

Napagaling ko nga ang sugat niya pero hindi natanggal ang lason sa kanyang katawan. Mabuti na lang dumating si ate Freya at mga magulang niya kasama ng mga mediko. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala lalo na sa ina ni Finn. Tumanggi silang dalhin si Finn sa academician hospital bagkus ay sa kwarto ng hotel na lang nila dinala siya sa hindi ko malaman na dahilan.

Ilang oras na kaming naghihintay dito sa sala ng hotel room. Nakaupo lang kami nina Kit at Bon sa mahabang sofa habang nakatingin kay Palm. Si Rui naman ay kanina pa nandoon sa kwarto nila at nagpapahinga. Nang magising daw siya kanina sa hospital ay pinilit niya  sina sir Nero na sa hotel room na lang siya magpahinga.

"Palm, umupo ka nga dito. Nahihilo ako sayo eh," sabi ni Kit. Tumayo siya at nilapitan si Palm.

"Pero hindi pa sila lumalabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas. Baka kung ano na ang nangyayari kay Finn," naiiyak na sabi ni Palm. Unti-unti siyang umupo sa pang isahang sofa. Umupo naman ulit si Kit sa tabi ko.

"Don't worry. Siguradong ginagawa nina ate Freya ang lahat para matanggal ang lason sa katawan ni Finn," pang-aalu ni Kit sa kanya. Nagpunas ng luha si Palm at saka marahang tumango. Napasulyap siya sa akin saglit bago yumuko.

Palihim akong napabuntong hininga at sumulyap sa pintuan ng kwarto kung nasaan si Finn. Nasa loob sina ate Freya at mga magulang nila kasama ang isang doktor. Hindi ko naman alam kung nasaan sina prof. Hera at sir Nero. Hindi ko pa sila nakikita ngayong araw.

"Kumusta na kaya si Finn?" mahinang tanong ni Bon na nasa tabi ko rin. Yun din ang tanong ko. Paano kung hindi nila maalis ang lason sa katawan ni Finn? Ano ang mangyayari sa kanya.

May kumatok sa pintuan ng hotel room. Tumayo si Bon upang pagbuksan ito. Pumasok si sir Nero at si prof. Hera. Nagkatinginan kami ni prof. Hera. Umawang ang kanyang labi na parang may gustong sabihin pero tinikom niya ulit ito at nag-iwas ng tingin.

"You should take a rest guys. Hindi pa ata kayo nakakain ng dinner?" tanong ni sir Nero at saka lumapit sa amin.

"Hihintayin po muna namin na lumabas sina ate Freya.."

Pagkatapos ng sinabi ni Kit sakto namang bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan si Finn. Napatayo kami at tumingin kina ate Freya, mga magulang niya at ang lalaking doktor. Seryoso ang kanilang mga mukha kaya bahagya akong kinabahan.

"Kumusta po si Finn?" kinakabahang tanong ni Palm sa kanila.

"He's recovering from the poison. Thanks to Freya's power," sagot ng doktor. Napalingon ako kay ate Freya na parang nanghihina. Parang maraming lakas ang nawala sa kanya. Anong klase kayang kapangyarihan ang meron si ate Freya at natanggal niya ang lason sa katawan ni Finn? Marahan siyang ngumiti sa banda ko nang mapansin ang titig ko sa kanya.

"Thanks for your help, Doc.," sabi ng ina ni Finn sabay ngiti sa doktor. Tumango ang doktor sa kanya.

"No problem," ani ng doktor at saka tiningnan si ate Freya. "Pero mas lalong tumaas ang lagnat ni Finn kaya you should check on him every now and then."

"Ako na po ang bahala Doc sa kapatid ko," sabi ni ate Freya sabay ngiti.

Nagpaalam ang doktor sa amin bago lumabas ng hotel room namin. Sinamahan siya ng mga magulang nina Finn papalabas.

"Ate Freya pwede po ba kaming pumasok sa kwarto ni Finn? Gusto pa talaga namin siyang makita," pagpapaalam ni Bon.

"Sige. Tara." Binuksan ulit ni ate Freya ang pintuan ng kwarto ni Finn at saka kami pumasok. Agad na lumapit sina Palm, Kit at Bon sa gilid ng kama ni Finn. Nanatili naman akong nakatayo ilang metro sa kanila.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon