Chapter 16: Opening Ceremony
***
Nag-book ng rooms sina sir Nero sa isang hotel ng Trenchia kung saan kami mananatili habang nagaganap ang academician battle. Katabi lang ng hotel na 'to ang academician arena. Kung hindi ako nagkakamali, dito rin sa hotel na ito mananatili ang ibang kalahok na academies sa kompetisyon.
Dahil sa haba ng biyahe, nagpasya kami na magpahinga. Magkasama kami nina Kit at Palm sa isang kwarto. Dahil tatlo ang kama, nagtig-isa kami. Natulog kami ng ilang oras. Ginising lang kami ni prof. Hera nang maghahaponan na.
Sa dining hall kami ng hotel kumain. Sa mahabang mesa kami nakapwesto. Nakaupo sa kabisera ang ama ni Finn. Samantala, nasa kanan naman ni sir FM ang asawa niya na katapat lang ni prof. Hera.
Nakaupo naman ako sa tabi ni prof. Hera at katapat ko si Finn na parang inaantok pa ata. Mapupungay ang kanyang mga mata at maya't maya ay humihikab. Tahimik kaming kumakain. Si Bon na katabi ni Finn ay parang hindi mapakali. Parang hindi siya komportable.
Sino nga naman ang hindi magiging komportable kapag kasabay mong kumain ang headmaster at President ng academy. Isama mo pa ang dalawang guro. Parang si Finn lang ata sa amin ang walang pakialam o hindi nakakaramdaman ng awkwardness sa paligid.
Habang kumakain ay nakayuko lang ako at nakatingin sa plato ko na puno ng pagkain. Kaya nang nag-angat ako ng mukha ay naabutan ko si Finn na nakatitig sa akin. Muntik na akong mabilaukan nang ngumisi siya sa akin.
Amusement is writen on his face. Nagkunot noo ako sa kanya. Tumaas ang dalawang kilay niya habang nakangiti parin. Sumulyap siya sa plato ko bago ngumisi uli sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko sa kanya. Ano bang problema niya?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Habang ngumunguya, napansin kong nakatingin na silang lahat sa akin. Sumulyap ako sa mga pinggan nila na wala nang laman.
Linapit ni prof. Hera ang mukha niya sa taenga ko.
"May pinagmanahan ka talaga. Ang bagal mong kumain," manghang bulong niya.
Kumurap ako. Tiningnan ko ang pagkain na nangangalahati pa sa plato ko. Marahan akong lumingon uli kay Finn na natatawa na ngayon. Sumulyap ako sa kanyang ina na umiinom na ngayon ng wine habang seryosong nakatingin sa akin.
Nagbawi ako ng tingin sa kanya. Kumuha ako ng table napkin at nagpunas sa gilid ng aking labi. Ngumuso ako kay Finn.
"Are you done eating iha?" tanong ni sir FM.
"Yes sir."
"But hindi pa ubos ang pagkain mo?" ani prof. Hera.
"Busog na po ako," sagot ko.
"Alright. Everyone is already done eating. So I like to make an announcement," ani sir FM.
Tumingin kaming lahat sa kanya at naghintay sa sasabihin niya.
"There will be an event later at midnight in the Function hall of this hotel. Every academies will be there. It's a formal event. Ipakikilala na doon ang mga kalahok sa academician battle. So you need to get ready later. Dahil makikilala niyo doon ang mga makakalaban niyo. And tomorrow is your first battles," sabi ni sir FM.
"B-Bukas agad?" kinakabahan na tanong ni Kit.
"Yes."
Napalunok ako. Kinakabahan ako.
"I bet some of the academies are also eating here. I felt their stares at us," sabi ni Rui.
Palihim kong nilibot ang paningin sa paligid at tama nga si Rui. May iilang tao na nakatingin sa mesa namin. May mga kaedaran din namin nina Finn na maangas na nakatingin sa amin. Yung iba naman parang pinag-aaralan ang mga kilos namin.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...