Chapter 29: Chaos and Tragedy

3.4K 138 0
                                    

Chapter 29: Chaos and Tragedy

***

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala habang nakatago pa rin sa likod ng malaking kurtina. Kanina pa nakaalis si general pero heto pa rin ako nanginginig sa takot. Nag-aalala ako para sa aking ama. Akala ko tapat si general sa kanya, yun pala all this time may plano siyang patayin si dad.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ang dami ko nang iniisip. Lalo akong naguguluhan. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Bakit ba ito nangyayari? Sa kasagsagan ng kumpetisyon? Sasabihin ko ba 'to kay dad? At sino ang master na tinutukoy ni general?

Nang nasiguro ko ng kalma na ang aking sarili, umalis na ako sa pagkakatago at tumingin sa paligid na madalang lang ang taong dumadaan. Naglakad ako sa palikong pasilyo pakanan. Pabalik sa unit ng aking ama.

Kailangan niyang malaman ang tungkol kay general bago pa siya maunahan. Sabi ko na nga ba. Simula pa lang wala na akong tiwala sa general na yun. Lalo na ng pinatay niya si Yuki. Mas lalo tuloy akong nagalit sa kanya ngayon. Hindi ako makakapayag na matuloy ang plano nila ng kanyang master.

Agad akong kumatok sa pintuan ng room ni dad nang makarating ako. Sana lang wala pa dito si general. Pagkabukas ng pintuan bumugad sa akin si Marcus. Tila nagtataka ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Bakit kayo bumalik young miss?"

"Nasaan si dad? Gusto ko siyang makausap. May kailangan akong sabihin sa kanya."

"Sa susunod ka na lang makipag-usap kay sir."

"Pero importante 'to. May kailangan siyang malaman." Bahagya ko siyang tinulak para makapasok. Lumingon ako sa paligid. Wala ang ibang tauhan niya.

"Wala dito si sir."

"Nasaan siya?"

"Umalis kasama si general. Manonood sila ng kumpetisyon sa Function hall."

"Ano?" Namilog ang aking mata. Umiling ako at nagmadaling umalis ng kanilang unit. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin. Kailangan kong pumunta sa Function hall. Hindi ko alam kung kailan gagawin nina general ang kanilang plano kaya kailangan malama ni dad ng mas maaga na traydor si general. Nanganganib ang buhay niya sa kanya.

Malakas ang aking ama pero may tiwala siya kay general. Yun ang kinababahala ko. Baka patalikod siyang tirahin ni general.

Napasinghap ako nang may humigit sa kamay ko at hinila ako sa kung saan. Isinandal niya ako sa pader at hinawakan sa magkabilang balikat. Umawang ang labi ko at gulat na tumingin sa kanya.

"F-Finn..."

Seryoso siyang tumingin sa akin. Halatang bagong ligo siya dahil sa medyo mabasa pa niyang buhok. Sumulyap ako sa paligid bago tumungin ulit kay Finn. Mabuti na lang walang dumadaan sa banda dito.

Ilang segundo kaming nagkatinginan ni Finn. Napakurap ako at nag-init ang aking pisngi. Mabuti naman at maayos na ang kanyang lagay pero may benda pa rin ang braso niyang may sugat.

"Kanina pa kita hinahanap." Tumingin siya sa kanyang wristwatch kaya napatingin rin ako ng sa'kin. Alas dos na pala ng hapon. Hindi ko namalayan ang oras. Hindi pa ako nakakapagtanghalian.

"Uhm may kailangan pa kasi akong puntahan Finn." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"So we're cousin huh?"

Kumunot ang aking noo at tumingin ulit sa kanya.

"Hindi Finn. Nakausap ko si dad. Siya ang aking ama. Hindi tayo magpinsan."

"What are you saying? Mom told me everything. Nagkausap sila ng daddy mo at inamin mismo ng iyong dad ang lahat kay mom. Hindi man mabasa ni mom ang nasa isip niya,sigurado siyang hindi ito nagsisinungaling."

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon