Chapter 15: Academician Battle
***
Lumipas ang mga araw pero hindi ko parin makalimutan ang halik sa akin ni Finn. Naalala ko pa nga na para akong tuod na hindi makakilos pagkatapos niyang paghiwalayin ang mga mukha namin. Panay ang sigawan at kantyawan ng mga tao sa amin. Kung hindi lang niya ako hinigit pababa ng entablado, siguradong mananatili lang ako doon.
Nang araw na iyon, hinatid niya ako sa dorm. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko nga magawa siyang tingnan sa mukha. Hindi rin namin napag-usapan ang nangyaring iyon hanggang sa lumipas na lang ang mga araw. Naging abala kami sa kanya kanya naming training dahil ilang araw na lang ay magaganap na ang kumpetisyon.
Pero napapansin ko ang kakaibang awra ni Finn. Parang araw araw siyang masaya at inspirado habang nagtretraining. Panay din ang ngiti niya at titig sa akin ng kakaiba. Naiilang nga ako dahil sa mga tingin ng mga teammates namin lalo na si Bon na lagi akong tinutukso. Pero mas naiilang ako kay Palm. Dahil parang lagi ng malamig ang tingin niya sa akin. Madalas din siyang tahimik tuwing magkasama ang aming team.
Hindi na nagtanong sa akin sina Jell tungkol kay Finn pero panay naman ang mapanuksong tingin nila sa akin sa tuwing nakikitang magkasama kami ni Finn. Binabalewala ko na lang.
Nag-aalalang tiningnan ko si Finn dahil sa pagbagsak niya habang nakikipaglaban kay Rui. Ito ang unang beses na napanood ko silang naglalaban. Lahat kami ay totok na totok sa laban nila. Silang dalawa ang pinakamalakas sa grupo namin. At sa tingin ko hindi nagkakalayo ang lakas nila.
"Well, what do you think of my speed?" ngumisi si Rui sa kanya.
Tumayo si Finn at hinawakam ang gilid ng kanyang labi na may sugat.
"Ganoon parin. Hindi nagbabago ang bilis mo. Ibig sabihin hindi ka nag-iimprove," mapang-asar na ngumiti si Finn kay Rui.
"Oh come on! Ilang beses ka na ngang bumagsak dahil sa bilis ng atake ko."
"At ilang beses ka na ring bumagsak. Mas marami nga kaysa sa akin."
Tamad na tiningnan ni Finn si Rui. Lumutang sa ere si Rui.
"I hate your power. I can't balance here," reklamo ni Rui habang sinusubukang gumalaw sa ere.
"The feeling is mutual," sagot ni Finn atsaka malakas na bumagsak si Rui sa sahig.
"What the fuck!"
Ngumiti si Finn at inangat ang kanang kamay niya para makapagpalabas ng bola ng enerhiya.
"Humanda ka. Ito na ang panghuling tira ko," ani Rui at ginaya rin ang ginawa ni Rui. Kulay pula ang lumabas na bola ng enerhiya sa kanyang kamay.
Pinakawalan nila ang kanilang mga kapangyarihan at nagsalubong ito. Halatang pareho silang nahihirapan habang pinipigilan itong mapunta sa kanila. Pareho silang napapaatras. Nanginig ang kamay ni Finn at mas lalong lumakas ang pinakawalan niyang kapangyarihan.
"That's enough," si sir Nero.
Unti-unting huminahon ang dalawang lalaki at pinaglaho ang kanilang kapangyarihan. Tumingin sila kay sir Nero at tumango.
Pumalakpak naman si Bon na nakaupo sa tabi ko.
"Ang intense ng laban niyo pare. Walang nanalo," natatawang sabi ni Bon.
Hindi nagsalita ang dalawa at naglakad na lang palapit sa amin. Umupo sa tabi ko si Finn at walang ganang tumingin kay sir Nero na nagsasalita.
"May problema ba ang dalawang yun?" nakasimangot na bulong ni Bon at saka nagkibit balikat.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...