Chapter 40: Boomerang
***
"ANG SUSUNOD NA LABAN AY SA PAGITAN NI BONNIE TYLER NG CLARINES AT SPENCER DALE NG XAVIER!!"
Agad akong napalingon kay Bon nang nabanggit ang pangalan n'ya ng announcer. Walang reaksyon ang kanyang mukha habang nakatitig kay Shana sa kabilang banda ng arena. Pero puno ng galit ang kanyang mga mata na parang gusto n'yang patayin si Shana sa titig.
Nabaling ang kanyang tingin sa lalaking umakyat na sa arena. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Bon. Kumuyom ang kamao ni Bon at marahas s'yang bumuntong hininga.
"Papatayin ko ang babaeng yun. Pagbabayaran n'ya ang ginawa n'ya kay Kit," mariin n'yang sinabi bago umakyat sa arena.
"Bon." Walang ibang masabi si Rui kundi ang pangalan n'ya. Puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
Napasulyap ako kay Palm na tulalang nakatingin sa kanyang harapan. Hindi man lang kumukurap. Ni parang wala siyang naririnig at walang pakialam sa paligid n'ya.
Lumingon ako sandali kay Finn na pinapanood si Bon sa gitna ng arena bago unti-unting lumapit kay Palm. Tumabi ako sa kanya at sinilip ang kanyang mukha.
"Palm.." maingat na tawag ko sa kanya.
"H-Huh?" napakurap s'ya at tumingin sa'kin.
Malungkot akong ngumiti sa kanya.
"Si Bon na ang sunod na lalaban."
Agad s'yang tumingin sa gitna ng arena. "Si Bon..pano kung s'ya naman ang mawala ngayon." Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Tama sila, malakas ang Xavier. Matatalo lang tayo at isaisa tayong mamatay."
Bumuntong hininga ako. Wala akong maisip na sabihin sa kanya para mapagaan ang loob niya kahit papano.
"SIMULAN NA ANG LABAN!"
"Hindi papayag si Bon na mamatay nang hindi naipaghihiganti si Kit," biglang sinabi ni Rui.
Seryoso s'yang tumingin kay Palm. "Tandaan mo ang sinabi ni Kit. Naniniwala s'yang malakas ang team natin at mananalo tayo sa labang ito. H'wag natin s'yang biguin."
Huminga ng malalim si Palm at tumango kay Rui bago tumingin sa gitna ng arena. Napansin ko naman ang sandaling tinginan nina Finn at Rui bago parehong tumingin sa harap.
Walang nagsasalita sa amin habang seryosong pinapanood ang laban nina Bon. Dahil siguro sa galit n'ya kaya mas malakas s'ya ngayon. Dumoble ang kanyang bilis sa pakikipagsuntukan. Bawat galaw at atake ni Bon ay parang may kasamang galit.
Malakas n'yang sinipa sa tiyan ang kalaban. Lumipad sa ere ito at bumagsak sa semento. Nagpalabas si Bon ng kanyang boomerang at agad binato kay Spencer. Pero mabilis itong nakaiwas at bumangon.
Ngumisi siya kay Bon bago nagpalabas ng kanyang kapangyarihan. Napakunot noo ako nang makita na katulad din ito ng kay Bon. Isang boomerang. Pareho ring kulay dilaw ang mga ito.
Ni-release ni Spencer ang kanyang boomerang at binunggo ang boomerang ni Bon na patungo sa kanya. Umawang ang labi ko nang nahati sa dalawa ang kay Bon at naglaho sa ere na parang bula.
Nagpatuloy naman ang boomerang ni Spencer patungo sa direksyon ni Bon na nakakunot noo at nagtataka. Umatras s'ya at tumalon para iwasan ito. Bumalik naman ang boomerang ni Spencer at lumutang sa kanang kamay n'ya.
"Shock, aren't we?" panunuya n'ya. "Akala mo ikaw lang ang marunong gumawa nito?"
"Gayagaya. Walang originality," tanging sinabi ni Bon. Pinunasan niya ang dugo sa kanang pisngi n'ya. Halata namang nainis si Spencer sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...