Chapter 43: Promise
***
Biglang tumikhim si Rui sa tabi kaya para akong natauhan at agad nag-iwas ng tingin kay Finn. Binitiwan n'ya rin ang aking kamay at bumaling sa aming mga kasama na parang walang nangyari.
"Kumusta mga sugat mo?" tanong ni Bon. Tumingin ako sa kanya at nag-thumbs up.
"Ayos lang. Kaya ko pa naman," sagot ko. Sa totoo lang sobrang sakit ang natamo kong sugat sa likod at nanghihina rin ang buong katawan ko. Kaya lang ayoko silang mag-alala at gusto kong manatili rito para panoorin ang laban ni Rui at Finn.
"Are you sure? Eh halatang nanghihina ka na at ang nalapnos mo'ng balat sa likod ay siguradong masakit. Pumunta ka na kaya sa hospital para malunasan yan at para makapagpahinga ka na rin. Magpasama ka kay Bon," nag-aalalang sabi naman ni Rui. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Don't worry kaya ko pa naman. Manonood na lang naman ako at hindi na lalaban. Tsaka makakapagpahinga naman ako rito," pamimilit ko. Sandali pa akong sumulyap kay Finn na kunot noong nakatingin kay Rui.
Bumuntong hininga si Rui at wala nang nagawa. "Ayoko lang mapanood mo ang susunod na laban," aniya. Bumaling ulit ako sa kanya.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko. Pero hindi na s'ya nagsalita at tumingin lamang sa gitna ng arena. Lumingon ako kay Finn na ngayo'y seryosong nakatingin na kay Rui. Nakabuka ang kanyang labi na parang may gustong sabihin pero tinikom n'ya ulit ito at bumuntong hininga na lang.
"ANG SUSUNOD NA LABAN AY SA PAGITAN NI RUI YANG NG CLARINES ACADEMY AT HARPER REMUS NG XAVIER ACADEMY!"
Nagsigawan ang ilang manonood at kung ano-ano ang sinasabi. Tiningnan ko naman si Rui na kalmadong nakatayo. Lumingon s'ya sa'min at nginitian kami isa-isa. Pero parang merong kakaiba sa ngiti n'ya. Parang ngiti ito ng taong nagpapaalam. Sana mali and interpretasyon ko.
"Sayang hindi ko man lang makikita si Palm sa huling pagkakataon."
Napaawang ang labi ko.
"What are you saying?" nandilim ang mga mata ni Finn habang nakatingin kay Rui. Ramdam ko rin ang talim sa boses n'ya. "Makikita mo pa siya at makakasama," dagdag n'ya.
"Finn." Ngumiti si Rui at tiningnan sa mga mata si Finn. "If I didn't make it, can you promise me something. Please win this competition and make it the last academician battle. I don't want anymore death because of this sick game. You're the only one I know who can do it. I trust you."
Hindi nakapagsalita si Finn at para s'yang natigilan sa kanyang kinatatayuan. Hindi naman naghintay ng sagot si Rui at umakyat na sa gitna ng arena kung saan naghihintay ang makakalaban niya.
"He really hates this competition, " mahina kong sabi.
"Yeah. We can't blame him. His brother died because of it." Bon commented. Napatango ako sa sinabi niya.
"SIMULAN NA ANG LABAN!"
Huminga ako ng malalim at kinakabahang tumingin sa arena. Hindi mawala ang pag-aalala ko kay Rui. Iniisip ko na may pakiramdam siya kung ano ang mangyayari sa kanya sa labang to kaya nasabi niya ang mga salitang yun kanina.
"I need to win this round. So I'm gonna make sure to kill you whatever it takes, " seryosong sinabi ni Harper habang nakatingin kay Rui. Inilahad niya ang parehong kamay sa ere at nagpalabas ng kanyang bola ng enerhiya.
"Get ready because this will be your last fight!" sigaw n'ya at pinakawalan ang kapangyarihan papunta sa direksyon ni Rui.
"If this will be my last fight, then I'm gonna make it worth it," ani Rui at mabilis na tumakbo. Sinalubong n'ya ang bola ng enerhiya ng kalaban at nang malapit na ito sa kanya ay walang kahirap hirap n'ya itong iniwasan. Nagpatuloy s'ya sa pagtakbo patungo kay Harper habang nagpapalabas ng kanyang bola ng enerhiya sa magkabilang kamay.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...