Chapter 27: Truth or Lies
***
"Miss Jane...?"
I groaned and my forehead creased before I open my eyes. Wala sa sarili akong tumungin sa paligid. Nasa kwarto pa rin ako ni Finn. Hinawakan ko ang nangangalay kong leeg gamit ang kaliwang kamay ko dahil nakahawak pa rin ang kanan sa kamay ni Finn. Dito na pala ako nakatulog.
"Miss Jane?"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at ganun na lang ang gulat ko nang makita si sir FM at ang kanyang asawa na seryosong nakatingin sa akin. Agad akong napatayo at napabitaw sa kamay ni Finn. Bahagya ko ring inayos ang aking sarili.
"M-Magandang umaga po," nahihiyang pagbati ko sa kanila. Hindi ako makatingin sa ina ni Finn sa labis na hiya at kaba. Kung nai-intimidate ako kay sir FM mas grabe naman ang nararamdaman ko sa asawa niya.
"Ikaw pala ang nagbantay buong magdamag sa aming anak," sabi ni sir FM.
Napakurap ako. Nakatulog nga ako eh.
"Pasensya na po." Yumuko ako sa kanila at tumabi para malapitan nila ang kanilang anak.
"It's okay. I'm actually grateful." Makahulugan siyang ngumiti sa akin bago sumulyap sa kanyang asawa na walang imik.
Bumuntong hininga ang ina ni Finn at saka lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang noo ng anak at pinakiramdaman.
"Bumaba na ang kanyang lagnat. Tawagin mo si Freya para macheck niya si Finn," aniya sabay tingin kay sir FM.
"Okay."
"Ako na lang po ang tatawag kay ate Freya." Napatigil sa paghakbang si sir at napasulyap sa akin. Tiningnan rin ako ng kanyang asawa.
"No. I want to talk to you about something," seryosong sinabi ng ina ni Finn sa akin. Napalunok ako.
Tumango muna sa akin si sir FM bago tahimik na lumabas ng kwarto. Tumalikod naman sa 'kin ang ina ni Finn. Tiningnan niya ang mahimbing na pagtulog ni Finn.
Ano kaya ang pag-uusapan namin? May sasabihin ba siya sa akin? Sisihin ba niya ako dahil sa nangyari kay Finn? Ay wait! Siguradong alam niya ang mga nararamdaman at iniisip ko ngayon. Mas lalo akong kinabahan.
"Don't worry. Hindi kita sinisisi kung bakit nalason ang anak ko..." pagsisimila niya. Nakatalikod pa rin siya sa banda ko. Siguro'y binabantayan niya si Finn kung sakaling magising ito.
Huminga ako ng malalim at nanatiling tahimik na nakikinig sa kanya. Naghihintay sa mga idudugtong niya.
"Pero gusto kitang sisihin sa mga nangyari sa kanya."
Kinagat ko ang aking labi at napatungo.
"You're a distraction and a bother to him ever since you came into his life. Did you know that he almost lose his hands and died rescuing you in the Pieris laboratory. Kinalaban niya ang headmaster ng academing yun na higit na malakas kaysa sa kanya. Siya rin ang tumanggap lahat ng parusa na nilabag ng asterisk section. The one thousand lashes and one month detention in the academy's punishment room. Muntik na rin siyang mamatay n'on."
Umawang ang aking labi sa bigla. Sumakit rin ang aking puso sa mga narinig. Yun yung mga panahon na iniiwasan niya ako. Hindi ko alam na siya lang pala ang pinarusahan at walang nagsabi sa akin. Hindi ko alam na may pinarusahan siya ng ganun. Kung alam ko lang sana.
"Kahit ako pa ang President ng Academy, wala akong nagawa upang iligtas siya dahil magiging unfair yun sa ibang tao. Galit na galit ako sayo nun kaya binalaan ko ang aking anak na layuan ka kundi mawawala ka sa academy which is sinunod naman niya pero panandalian lang dahil kinausap kita."
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...