Chapter 4: His Powers
***
Kumunot ang noo ko bago ako nagmulat ng mga mata. Linibot ko ang paningin sa paligid. Puro puti ang nakikita ko.
Where Am I?
Sinubukan kong umupo sa kama but I failed. I can't move my body. Masakit lahat ng parte ng katawan ko. Can't even move my hands.
"Oh. You're already awake," sabi ng isang tinig ng babae.
Tumingin ako sa kanya without moving my head. Nakasuot siya ng kulay puti. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati.
"I'm a nurse here in Clarines Academy. Glad you're already awake. Finn is worried. He thought you'll never wake up again."
Right. Siya yung gumamot sa mga sugat ko sa train.
"Si Finn?" tanong ko.
"Yes. Siya ang nagdala sayo dito kagabi. Dito nga siya natulog. Umuwi lang kaninang umaga."
"Ahh.." wala akong ibang masabi.
"Grabe. Hindi pa nag-iisang buwan. Dalawang beses na kitang ginamot. Sana naman hindi ka maging suki dito sa clinic," natatawang sabi niya.
Ngumuso lang ako.
"By the way, I'm Freya Cartner. In case you didn't know, nakababatang kapatid ko si Finn."
Medyo nagulat ako na malaman na kapatid niya si Finn. Magkamukha sila pero itong si Freya ay palangiti at masayahin. Samantalang si Finn ni hindi ko pa ata nakikitang ngumiti.
"Jane Zuki," pakilala ko naman.
"Nice meeting you Jane. I like you for some reason. You can call me ate Freya," sabi niya habang nakangiti.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang nag-aalalang si Jell kasama sina Lucy, Tanya at Sakura.
"Jane kumusta anong masakit?" nag-aalalang tanong ni Jell. Umupo siya sa kama ko.
"Masakit lahat pero kaya ko naman," natatawang sagot ko.
"Hello po ate Freya," bati nila.
"Sige maiwan ko muna kayo. Babalik na lang ako mamaya," ngumiti si ate Freya samin bago lumabas ng kwarto.
"May dala kaming pagkain. Siguradong nagugutom ka na," sabi ni Sakura.
Tama siya. Gutom na talaga ako. Pero...
"Can't move.." mahinang sabi ko.
"You look like a mess," ani Lucy.
Nagtawanan silang apat.
"A pretty mess," sabi naman ni Tanya.
Tinulungan ako nilang makaupo sa higaan. Si Jell ang nagsubo sakin ng pagkain.
"Bakit ganun? Kaya mong pagalingin ang ibang tao pero hindi ang sarili mo?" Tanong ni Jell habang sinusubuan ako.
"I don't know. Ganun talaga simula pa nung ipinanganak ako," sagot ko.
"That's unfair," komento ni Tanya.
"Well, life is unfair." Lucy said.
"By the way, si Finn ang naghatid sayo dito sa clinic. Ang swerte mo," kinikilig na sabi ni Sakura.
"Oo nga. I can only imagine. The way he held you in his arms. Just..oh my god," sabi naman ni Tanya na parang nag-iimagine nga.
Ngumiwi ako sa kanila.
"Ginawa lang niya yun kasi pinagaling ko siya dati," sagot ko sa kanila.
And why are we talking about him?
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...