Chapter 39: Smile
***
"PARA SA UNANG ROUND NG LABAN NG XAVIER ACADEMY AND CLARINES ACADEMY, UMAKYAT NA SA GITNA NG ARENA SI KIT JOHNSON NG CLARINES AT SHANA JARA NG XAVIER!!"
Tumingin kami kay Kit na bumuga ng malakas na hangin. Tila inaasahan niya na siya ang unang lalaban sa amin. Bumaling siya sa'min at matamis na ngumiti. Hindi naman ako makangiti sa kanya dahil sa labis na kaba at pag-aalala.
"Good luck. Mag-iingat ka," Finn said and looked at her seriously.
"You can do it." Palm is obviously worried but she maintain her smile. She walked near Kit and tapped her shoulder.
"Talunin mo siya. We trust you," Rui just smirked at her.
"Always remember that we're here to support you." I smiled at her and she nodded.
"Kit, ipanalo mo ang laban mo. Mas malakas ka sa kanya. Patunayan mo'ng karapat dapat ang grupo natin na manalo sa kumpetisyong ito," said Bon while staring at Kit.
"Thank you, guys. Good luck din sa mga laban n'yo." Kit smiled at us. Tumalikod na s'ya sa'min at umakyat sa arena. Pero nasa kalagitnaan palang ng hagdanan, huminto s'ya.
"Kapag natalo ako at mawala, h'wag kayong gagawa ng makakasira sa team natin huh, lalo ka na Bon. Ipanalo n'yo ang inyong laban para sa'kin at para sa Clarines. I trust you as well, guys. Ang ating team ang pinakamalakas kaya, alam kong mananalo ang ating academy," aniya habang nakatalikod sa'min. Pagkatapos n'yang magsalita, nagpatuloy na s'ya sa paglalakad. Natahimik naman kami at hindi makapagsalita.
I don't know why, but I am extremely nervous after her statement. It feels like, she'd sensed something bad will happen to her and parang namamaalam s'ya. Sumulyap ako kay Bon na nakatitig parin kay Kit.
"KIT VERSUS SHANA! SIMULAN NA ANG LABAN!"
They stared at each other. Both are serious and carefully examining each others' moves. Unang umatake si Shana kay Kit. She ran towards her and throw punches. Ginamit naman ni Kit ang kanyang mga braso para makailag sa atake ng kalaban.
Halatang nasaktan si Shana nang masuntok n'ya ang armor sa braso ni Kit. Napaatras s'ya ng ilang hakbang. Umabante naman si Kit at s'ya naman ang sumugod dito. She punched and kicked her in the stomach. Mabilis ang bawat galaw nila. Tumutunog ang kanilang suot na armor sa t'wing nagkakabunggoan ang mga ito.
Nang natumba si Shana sa sahig, agad nagpalabas ng energy ball si Kit and throw at her. Pero mabilis si Shana. Gumulong s'ya sa sahig at nakaiwas rito. Tumalon paatras si Kit kasabay ng pagsabog ng kanyang kapangyarihan.
Bumangon si Shana at tumitig kay Kit. Medyo marumi na ang suot n'ya at may gasgas na rin ang kanyang mukha. Sinuklay n'ya ang hanggang balikat n'yang buhok gamit ang daliri tsaka madilim na tumingin ulit kay Kit.
Nagpalabas ulit ng bola ng enerhiya si Kit at tumakbo palapit sa kalaban. Napahinto nga lang s'ya nang makita ang unti-unting paghaba ng buhok ni Shana.
"What's happening with her hair? Bakit humahaba ito?" tanong ni Palm.
"Obviously that's her power," sagot sa kanya ni Rui. Napaawang ang labi ko nang humaba pa ang buhok ni Shana at naging matulis ang dulo nito.
"TAPOS KA NA!" sigaw n'ya kasabay ng pagbulusok ng kanyang buhok papunta sa direksyon ni Kit.
Kit throw her energy ball. Natamaan ang buhok ni Shana pero hindi man lang ito naapektuhan. Nagpatuloy ito papunta sa direksyon n'ya. Paulit ulit na nagpakawala si Kit ng kanyang kapangyarihan pero balewala lang ito sa buhok ni Shana. Nanlaki ang mata n'ya at halatang natataranta na.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...