Chapter 10: Abduct
***
"Mabuti naman at sumabay ka na samin ngayon na kumain. Ilang linggo ka na naming hindi nakakausap dahil sa pagkaabala mo sa training ninyo," sabi ni Lucy habang nagtatanghalian kami sa canteen.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Dahil sa training, madalang ko na lang silang makausap at makita. Hindi na rin pumapasok sa mga klase ang team namin dahil kailangan namin pagtoonan ng pansin ang aming pag-eensayo. Tatlong buwan na lang at magaganap na ang academician battle. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras.Napabuntong hininga ako. Naguguluhan rin ako kung ano ba talaga ang nangyari sa aking ina. Gusto kong magtanong kay sir Nero pero baka magduda na siya sakin. Ayaw rin magsalita ni prof. Hera sakin dahil gusto niya akong magfocus sa training.
"Ayos ka lang ba Jane? Gusto mo bang magpahinga na lang sa dorm?" nag-aalalang tanong sakin ni Jell.
Tumigil ako sa paglalaro ng aking pagkain at nilingon siya. Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang ako. May iniisip lang," sagot ko.
Malungkot niya akong tiningnan.
"Iniisip mo ba ang pagiging alay mo sa academician battle?" tanong ni Tanya.
Isa rin yun sa dahilan ng nagpapagulo sa isip ko.
"Marami talagang interesado sa kapangyarihan mo," komento ni Sakura.
"I wonder kung anong balak nila sa kapangyarihan mo?" tanong naman ni Lucy.
Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam. Ito kaya ang dahilan ni daddy kung bakit niya pinipilit na tanggalin ang kapangyarihan ko?
"Pero huwag kang mag-alala Jane. Hindi ka naman pababayaan ng teammates mo. Hindi kayo matatalo sa mga laban," pagpapalakas ng loob sakin ni Jell.
Tumango ako sa kanya.
"Bakit pala wala kayong training ngayon?" tanong ni Sakura.
"May importanteng lakad sina sir Nero at sinama niya sina Finn, Rui at Bon. Nagpapahinga naman sina Palm at Kit sa dorm nila. Plano ko naman mag-ensayo sa training room pagkatapos nating kumain," sagot ko.
"Magpahinga ka naman kahit ngayong araw lang. Huwag mong abusuhin ang katawan mo," ani Lucy.
"Ayos lang naman ako. Kaya ko naman."
"Hindi. Magpapahinga ka ngayongg araw," may diin na sabi ni Jell.
"Mamasyal na lang tayo," suhestiyun ni Tanya.
"Tama. Ipasyal natin si Jane. Hindi ka pa nakakapunta sa downtown ng Clarines diba?" excited na tanong ni Sakura.
Umiling naman ako sa kanya.
"Pumunta tayo ngayon don. At ilibot din natin si Jane sa ibang lugar ng Clarines," sabi naman ni Jell.
"Maganda nga yan. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa downtown. At kailangan ko rin palang bumili ng bagong palamuti," sabi ni Lucy.
"Pero--"
"Wala nang pero pero Jane. Sasama ka samin sa ayaw at sa gusto mo," putol sakin ni Jell.
Napailing na lang ako at napangiti.
"Sige. Sasamahan ko na kayo," pagpayag ko. Kasasabi ko palang kanina na hindi dapat ako nag-aaksaya ng oras pero kaibigan ko sila. Hindi ko sila matitiis. Saka ngayon lang naman ito.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...