Chapter 21: The talk and the Stranger

3.6K 142 1
                                    

Chapter 21: The talk and the Stranger

***

Hawak ni Finn ang aking kamay habang naglalakad kami sa kung saan. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Linibot ni Finn ang flashlight sa paligid na parang may hinahanap. Hinila ulit ako ni Finn sa kung saan. Nagpatinaod lang ako sa kanya.

May nakita kaming isang kweba. Agad kaming tumakbo ni Finn patungo rito. Nang makapasok kami sa kweba, linibot namin ang tingin sa paligid. May mga nagkalat na kahoy at kung ano ano sa loob ng kweba.

Binitiwan ako ni Finn. Kumuha siya ng mga kahoy at gamit ang kapangyarihan gumawa siya ng apoy. Nanginig ako dahil sa ginaw kaya niyakap ko ang sarili. Napatingin ako kay Finn nang hinubad niya ang suot niyang itim na jacket at t-shirt na kulay asul. Napakurap ako at nag-init ang pisngi habang nakatitig sa katawan niya.

Nilapag niya ang kanyang basang damit sa malaking bato at nagkalkal ng kung ano sa mga nagkalat na kahoy at mga dahon. Abala naman ako sa kakatitig sa mga kilos niya.

May nakita siyang bag na puno ng laman. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang ginagawa niya. Binuksan niya ang bag at tiningnan kung anong laman nito. Nilabas niya lahat ng laman nito. Bottled water na may bawas at sarong lang ang laman nito. Mga dahong tuyo ang iba.

Lumingon sa akin si Finn at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nilahad niya sa akin ang sarong. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Kailangan mong hubarin ang suot mo baka magkasakit ka. Gamitin mo muna to pansamantala habang pinapatuyo natin ang suot mo."

Kinuha ko ang sarong at nag-aalalang tumingin sa kanya.

"Paano ka?" Baka siya naman yung magkasakit.

"I'll be fine. Sige na. Alam kong giniginaw ka na. Tatalikod na ako," aniya sabay talikod sa akin.

Bumuntong hininga ako at tumalikod din sa kanya. Hinubad ko ang aking jacket at t-shirt pati na rin ang pantalon. Binalot ko ang sarong sa aking katawan at humarap na kay Finn.

"Tapos na," sabi ko sa kanya.

Humarap sa akin si Finn at agad nag-iwas ng tingin.

"Ahh...yeah.." napahawak siya sa kanyang batok at namulot ng mga kahoy. Inilagay niya ito sa apoy.

Nilapag ko naman ang mga hinubad ko sa tabi ng mga damit ni Finn. Pagkatapos ay lumingon ako sa kanya na nakaupo at nakatingin lang sa apoy sa harap niya. Nakainat ang kanyang dalawang braso na nakapatong  sa mga tuhod niya.

Marahan akong naglakad at tumabi ng upo sa kanya. Tumingin ako sa apoy at sandaling tumahimik. Niyakap ko ang aking tuhod at huminga ng malalim.

"Uhm...P-Paano mo pala nalaman na nandito ako sa gubat?" nag-aalinlangan kong tanong sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang kanyang pagsulyap sa akin bago ulit tumingin sa apoy na nasa harap namin.

"Hinanap kita kanina nung nagtanghalian kami. Sinabi nila Kit na natutulog ka kaya pinuntahan kita sa kwarto ninyo pero wala ka naman. Tapos may nakita akong piraso ng papel sa tabi ng kama mo. Pagkatapos kong basahin yun agad akong nagpunta dito sa gubat para samahan ka kaya lang nawala ako," paliwanag niya.

"Ganun ba.." kinagat ko ang labi ko. "Sorry..." malungkot kong sinabi.

"Sino pala ang nagsulat sayo nun? Nagkausap ba kayo? May nalaman ka ba tungkol sayong ina?"

Malungkot akong umiling.

"Hindi siya nagpakita sa akin. Hindi ko rin siya kilala. Nakita ko lang kasi ang sulat na yun sa bulsa ng jacket ko nung naglalakad ako pabalik sa kwarto namin nina Kit pagkatapos kong kumain sa dining hall kaninang ala una ng madaling araw..." sagot ko.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon