Chapter 11: Protect
***
Nanghihinang minulat ko ang aking mga mata. Bahagya akong nasilaw sa ilaw na nakakatutok sa akin. Nang makapag-adjust ako, linibot ko ang aking mga mata sa paligid. Nasaan ako? Puno ng kung ano anong gamit pang laboratory ang nakikita ko sa paligid. Nasaan ang mga kaibigan ko? Siguradong nag-aalala na sila sa akin. Sina Finn at Prof Hera. Siguradong hinahanap na nila ako.
Tiningnan ko ang aking katawan nang mapansin na hindi ako makakilos. Nakagapos ang aking mga kamay at paa sa makapal na bakal ng hinihigaan ko. Nagpanic ako nang makita na tanginng bra at panty lang ang suot ko. Sinubukan kong gumalaw at gamitin ang kuryente ko pero hindi ito tumatalab.
"Gising na siya Doc." Rinig kong sabi ng isang baritonong boses.
"Inject her."
May lumapit sa akin na isang lalaki nakalab gown at nag-inject sa braso ko.
"S-Sino kayo? Bakit niyo ito g-ginagawa sa akin..." nanghihinang tanong ko.
Napapakurap na rin ako dahil sa pagkaantok. Bago ako tuluyang lamonin ng dilim, nakita ko ang isang lalaki na nakaitim na suit at nakangiting nakatitig sa akin.
"Janina Suzuki..." bigkas niya sa tunay kong pangalan.
Nagising uli ako nang walang lakas. Ni hindi ko mapabaling ang aking ulo sa ibang direksyon. May nakakabit na rin na mga wire sa aking sentido, mga braso at kung saan parte pa ng aking katawan.
"Nagising siya Doc."
May limang lalaking nakapalibot sa aking hinihigaan. Lahat sila ay nakalab gown at nakagloves.
"Huwag niyo na siya uling turukan, baka hindi na siya magising uli," malamig na sabi ng lalaking nakasuit na itim at nakaupo sa gilid. Siya yung nakita ko bago ako nakatulog. Pareho sila ng daddy ko. Sa tikas ng katawan. Siguro magkasing edad din sila.
"Pero isasagawa na namin ang surgery Sir," sabi ng lalaking nakapwesto sa ulunan ko.
Anong surgery? Anong gagawin nila sakin.
"Edi gawin ninyo ang surgery. Kailangan na nating matapos ang experiment. Hindi na makapaghintay si Mr. President," sabi ng lalaki at saka lumabas ng kwarto.
"Simulan na natin," sabi ng pinakamantandang doktor. May hawak siyang parang patalim.
"A-Anong gagawin niyo? Pakawalan niyo na po ako.." nagmamakaawang sabi ko sa kanila.
May pinahid na kung ano sa aking tiyan ang isa pang doktor. Tinutok naman sa aking tiyan ang patalim na hawak ng matandang doktor. Balak ba nilang buksan ang tiyan ko?
"Hu-Huwag po! Please! Huwag niyo pong itutuloy yan.." parang hindi nila ako naririnig.
Nagpapatuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Kinagat ko ang aking labi sa labis na nararamdamang takot.
"H-Huwag please..." nagsimula nang tumulo ang aking mga luha nang naramdaman ko na sa aking balat ang patalim.
"HUWAG!! AAAHHH!" sigaw ko nang tuluyang sugatan ang aking tiyan.
"Parang awa niyo na! Huwag! FINN! PROF. HERA! TULUNGAN NIYO AKO! TULONG! TULONG!" umiiyak na sigaw ko.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa tiyan ko. Nararamdaman ko na lang na parang hinahalukay ang aking tiyan.
"TAMA NA! TAMA NA!" napahikbi ako sa sobrang sakit.
"Walang tutulong sayo rito iha. Mabuti pa tumahimik ka na lang. Mauubos lang ang lakas mo sa kakasigaw."
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...