Chapter 41: Out of Control

3.1K 109 0
                                    

Chapter 41: Out of Control

***

Tiningnan ko si Bon habang papalapit s'ya sa'min ni Finn. Ngumiti ako sa kanya nang sumulyap s'ya sa'kin. Tipid s'yang ngumiti at bumaling sa katabi ko.

"I'm glad you're okay," sabi ni Finn. Bahagyang tumango si Bon sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"But I'm not satisfied. I wanna get even to that girl who killed Kit."

"I understand." Tumango rin si Finn at lumingon kina Palm at Rui na papalapit din sa'min.

"Mabuti na lang nanalo ka Bon kundi baka kung ano na ang ginawa ng dalawang to. Siguradong magkakagulo dito kung sakali," ani Palm na halatang nakahinga nang maluwag sa resulta ng laban ni Bon.

"Talaga?" Gulat na tumingin si Bon kina Finn at Rui. Nang nakabawi agad n'yang binigyan ng sinserong ngiti ang dalawa. "Salamat guys. Naiintindihan ko naman kayo pero hindi dapat kayo magpadalos dalos. Sabi nga ni Kit, mas importante ang manalo ang academy natin kaysa sa buhay natin. Yun ang sinabi n'ya nung nagkausap kami kagabi at naalala ko yun kanina habang nakikipaglaban. Kaya ginawa ko lahat para manalo sa laban para sa academy  at para sa kanya." Yumuko s'ya. "Maraming umaasa sa atin kaya wag natin silang biguin," aniya at naglakad sa gilid. Nagkatinginan naman sina Rui at Palm sa isa't isa at parehong nagtataka.

"He looked like a different person," komento ni Rui. Tama s'ya. Parang hindi na si Bon ang kausap namin. Parang hindi ko na s'ya kilala. Malaki ang kanyang pinagbago matapos mawala si Kit. Siguro nga'y malaki talaga ang naging impact sa kanya ng pagkamatay ni Kit.

"PARA SA IKATLONG ROUND NG LABAN! UMAKYAT NA SA ARENA SI HARLEY GREENE NG XAVIER AT SI PALM SAVA NG CLARINES ACADEMY!"

Huminga ng malalim si Palm at tumingin sa amin. "Gagawin ko lahat para manalo sa laban pero kung sakali mang mangyari sa'kin, wag na wag kayong magkakamaling gumawa ng hakbang na ikapapahamak n'yo," aniya at nagbabantang tiningnan si Rui.

"Fine. If that's what you want," ani Rui at umiwas ng tingin sa kanya.

"Thank you," sabi ni Palm bago tuluyang tumalikod sa'min at umakyat sa gitna ng arena.

"She can make it, right?" tanong n'ya habang nakatingin sa likuran ni Palm.

"Of course. We just have to trust her," seryosong sagot naman ni Finn.

"Right. S'ya ata ang pinakamalakas na babae na nakilala ko. Naniniwala ako sa kakayahan n'ya." Huminga ng maluwag si Rui at nag-focus sa magsisimula nang laban.

Huminga ako ng malalim dahil sa kaba para kay Palm. Alam kong malakas s'ya pero hindi ko alam kung gaano kalakas ang kalaban.

"SIMULAN NA ANG LABAN!"

Agad nagpalabas ng kanyang bola ng enerhiya si Palm at binato kay Harley. Walang kahirap hirap naman itong naiwasan ng huli at saka ngumiti kay Palm. Tumama ang kanyang kapangyarihan sa semento at nasira ito sa malakas na pagsabog.

"Aggressive, I see." Ngumisi si Harley at tumakbo palapit kay Palm. Nagpalabas ito ng kulay brown na bola ng enerhiya at pinakawalan papunta Kay Palm. Wala namang mababakas na takot at kaba sa mukha ni Palm habang papalapit ito sa kanya.

Huminga ng malalim si Palm at nagpalabas ng kanyang bola ng enerhiya. Agad n'ya itong pinakawalan papunta sa kapangyarihan ni Harley.

Pareho silang nakakunot noo habang nagkakabunggoan ang kanilang kapangyarihan. Nanginginig rin ang kanilang mga kamay habang patuloy ito sa pagpapakawala ng kanilang enerhiya.

"Damn you!!" sigaw ni Harley at mas lumakas ang kanyang kapangyarihan.

Nanlaki ang mga mata ni Palm. Naibaba n'ya ang parehong kamay tsaka s'ya umatras para makaiwas rito. Pero naabutan parin s'ya nito at natamaan sa t'yan. Napasinghap ako at agad nag-alala sa kanya.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon