Chapter 3: The Initiation

7K 301 22
                                    

Chapter 3: The Initiation

***

"Are you bothered?" tanong ni Jell habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

"Ha?" napalingon ako sa kanya.

"Kanina ka pa kasi tahimik at parang malalim ang iniisip mo."

"Uhh..."

"Sa biyernes pa naman ang initiation kaya may oras ka pa para maghanda," nakangiting sabi niya.

Tumango ako at ngumiti rin sa kanya.

Tahimik kaming pumasok sa loob ng classroom. Agad kaming nagtungo sa mga upuan namin para umupo. Pero bago pa ako makaupo, may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa lalaking nakangisi sa akin habang mariin ang pagkakahawak sa braso ko.

"Bakit?" tanong ko

Kumunot ang noo ko dahil parang may enerhiya na pumipigil sa katawan ko para gumalaw. Sinubukan kong igalaw ang braso ko pero walang nangyari.

Tiningnan ko ng masama yung lalaki. Siguradong siya ang may gawa nito.

"Bitiwan mo si Jane, Brix!" sabi ni Jell.

"I'm just curious. What's your power?" tanong ng lalaking tinawag na Brix ni Jell.

"Bitawan mo ang braso ko," utos ko sa kanya.

"Gamitin mo ang kapangyarihan mo para makawala sa pagkakahawak ko," aniya habang nakangisi pa rin sakin.

Napansin kong nakatingin na saming dalawa ang lahat ng kaklase namin.

Napabuntong hininga ako at tiningnan si Brix ng masama. Hindi ko tinanggal ang paningin sa kanya.

"Ouch! Shit!" daing niya at saka ako binitiwan kaya nakagalaw na ako.

"Anong nangyari Brix?"

"Anong ginawa niya?"

Hindi nagsalita si Brix. Kunot noo niya akong tiningnan bago naglakad patungo sa upuan niya.

"Anong ginawa mo kay Brix?" tanong ni Jell sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka umupo sa upuan ko.

"I didn't expect, you have another power other than healing..." sabi ni Finn na nakaupo sa likod ko.

Lumingon ako sa kanya. His right hand is on his chin while looking at me lazily.

Kumurap ako.

"Uhh...yeah.." wala akong masabi.

"Wow! May kapangyarihan kang magpagaling," hindi makapaniwalang sabi ni Jell. Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti at tumango.

"Nakakatuwa naman. Ikaw lang siguro ang may ganyang kapangyarihan dito sa buong academy."

"Hindi naman siguro," napahawak ako sa batok ko dahil sa hiya.

Pagkatapos ng maghapon na klase, agad naglabasan ang mga kaklase ko. Isa kami ni Jell sa huling lumabas ng classroom. Habang naglalakad papunta sa dorm ko nakita ko si Finn na naglalakad palabas ng gate ng academy. Kumunot ang noo ko. Saan kaya siya pupunta?

"Anong dorm number mo?" tanong ni Jell sakin.

"Uhh.." kinuha ko ang susi na nasa bulsa ko at tiningnan kung anong number ang nakasulat don. Nakita ko kung anong number yun kanina. Nakalimutan ko lang.

"Number 109." sagot ko.

"Talaga? Doon din ako eh. Ibig sabihin dormmate tayo," natutuwang sabi niya.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon