Chapter 31: The Semi-finals
***
"Mamayang alas dos ng hapon ang laban ninyo," sabi ni sir Nero sa amin habang nag-aalmusal kami sa dining. Tumingin kaming lahat sa kanya maliban kay Finn na nakayuko lamang sa kanyang pinggan.
Huminga ng malalim si sir at tiningnan kami isaisa. Nagtagal ang tingin niya kay Finn.
"Good luck sa inyo. Malapit na kayo sa katapusan ng laro. Alam kong habang tumatagal, pahirap ng pahirap ang dinaranas ninyo. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil marami pa kayong kahaharapin na mga pagsubok."
Napabuntong hininga ako.
"Sino ang makakalaban namin mamaya?" tanong ni Rui. Pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi na niya ako ulit kinausap. Siguro'y galit parin siya sa akin. Naiintindihan ko naman yun. Kaya lang hindi ko maiwasang masaktan.
"Ang Midori Academy," sagot ni prof. Hera.
"Midori?" nagtatakang tanong ni Kit. Nagkatinginan sila ni Bon.
"Yun yung nakalaban ng Xavier Academy noon sa final battle," sabi ni Bon.
"Yes. Natalo sila ng Xavier Academy pero halos magkasing lakas lang sila. Balita ko mas malakas na ngayon ang Midori Academy. Magagaling ang mga representatives nila ngayon kaysa noon dahil sa matitinding trainings," sabi ni sir Nero.
"Gusto nilang manalo sa academician battle at makaganti sa Xavier Academy," komento ni prof. Hera.
"Malas lang nila dahil matatalo natin sila bago pa nila makaharap ang Xavier." Ngumisi si Rui tsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Sana nga matalo natin sila." Nag-aalalang sabi ni Kit.
"Inaasahan talaga ng lahat na ang Xavier Academy ang makakapasok sa finals huh," ani Palm habang nakataas ang ang isang kilay.
"What do you expect? Simula nang hindi na sumali ang Dentora Academy, palaging Xavier na ang nananalo sa academician battle."
Napatingin ako kay Rui nang binanggit niya ang lugar namin ng aking ama. Naramdaman ko rin ang pagsulyap sa'kin ni prof. Hera. Siguro'y napansin niya ang aking pagkakagulat.
Yumuko ako at tumingin sa aking pagkain. Bakit kaya hindi na sumali ang Dentora Academy sa kumpetisyon?
"I'm done. Thank you for the food."
Napatingin kaming lahat kay Finn nang bigla itong magsalita at tumayo. Walang emosyon siyang tumalikod sa amin.
"Teka lang Finn! Where are you going?" napatayo si Palm habang nakatingin parin kay Finn.
"Magkitakita na lang tayo mamaya sa arena," sabi ni Finn na hindi sinagot ang tanong ni Palm. Hindi man lang siya huminto sa paglalakad habang sinasabi yun.
"Pero...teka..teka lang.." batid ko ang pag-aalala at alinlangan sa boses ni Palm.
"Hayaan mo muna siya. He needs time to be alone even for just a little. We should understand him. He's mourning," sabi ni sir Nero kay Palm.
Napabuntong hininga na lang si Palm at bumalik sa pagkakaupo. Nanatili naman akong nakatingin sa pinaglabasan ni Finn kahit hindi ko na siya nakikita.
Naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit habang naririnig ang kanyang pag-iyak. Parang tinutusok ang puso ko habang naririnig yun. Wala man lang akong magawa para sa kanya.
Nang hindi ko na narinig ang kanyang mga munting hikbi, dahan dahan ko siyang sinilip. Para siyang bata habang nakaupo at nakasandal sa glass wall. Nakapikit ang kanyang mga mata at malalim na ang paghinga.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...