Chapter 45: Blood Sweat and Tears

3.7K 118 26
                                    

Chapter 45: Blood Sweat and Tears

***

Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman habang nakatitig sa taong kaharap ko. Nanginginig rin ang aking mga tuhod at hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Hindi ko akalaing ganito katindi ang awra niya.


"What's the meaning of this?" seryosong tanong ni Finn. Naglakad siya palapit sa'kin at tinago ako sa kanyang likuran. Tumayo rin si Bon at nagpagpag ng sarili bago lumapit at tumabi kay Finn.


"Give that girl to me."


Napalunok ako. Tumatayo ang mga balahibo ko sa lamig ng boses niya. Wala na ang parating kalmado at masayahing boses niya na naririnig ko noon.


"Bakit namin siya ibibigay sa inyo? Nakita niyo naman sir, nanalo kami sa competition," galit na sinabi ni Bon. Halatang naiinis pa siya rito dahil sa biglang pagtulak nito sa kanya kanina.


"My teammate is right. We won the battle so you don't have the right to claim her." Tiningnan ko ang likuran ni Finn na puno ng dumi at sugat. Halata rin ang panghihina at pagod sa boses niya. Parepareho na kaming nanghihina at walang lakas. Kapag kinalaban pa namin siya, siguradong matatalo lang kami.


May narinig akong tunog ng mga daliri galing sa aming kaharap. Sinilip ko s'ya at nakita ang dilim sa mukha niya.


"Inuubos niyo ang pasensya ko mga bata. Kung natalo nalang sana kayo, hindi na ko mag-aabalang gawin 'to," aniya at nilingon sina Shana at Harper na siyang natira na lang sa pangkat ng Xavier Academy.  Halata ang takot sa mukha nila at hindi makatingin ng deretso rito.



"M-Master, p-patawad. Ginawa po namin lahat para manalo sa aming mga laban. Kaya lang natalo parin ang pangkat namin at namatayan pa kami ng teammates." Ang kaninang matapang na mukha ni Harper ay napalitan ng takot at pagmamakaawa. Si Shana na nakahawak sa braso niya ay nanginginig na rin sa takot.


"Master?" mahinang tanong ko sa sarili. Tinawag siyang master ni Harper. Umawang ang labi ko. Siya rin ba ang tinatawag na master ni general? Kung siya nga yun, ibig sabihin matagal niya na akong gustong kunin at plinano niya ang lahat ng 'to. Napailing ako at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Akala ko ba magkaibigan sila ni Daddy.

Nanliit ang mga mata ng taong tinatawag niyang master. Naglakad ito patungo sa kanila. Tumutunog ang bawat hakbang nito. Parang nabato naman sa kanilang kinatatayuan sina Harper at Shana.

"I have a high expectations of your team kaya kayo ang pinili ko pero binigo niyo ako. Ngayon sisiguraduhin kong mabubura na rin sa mapa ang lugar niyo. Natalo kayo. Namatay na rin ang mga teammates niyo. Dapat namatay na rin kayo. Don't you think?"


Nagkatinginan sina Shana at Harper. Tumalikod sila at mabilis tumakbo para sana tumakas. Pero naabutan parin sila nito. Hinawakan niya pareho ang likod ng ulo ng dalawa at saka mabilis na binaon sa lupa. Sabay na sumabog ang mga ito at nagkalat ang dugo nila sa ere. Napasinghap ako sa bilis ng pangyayari.


"Mga walang kwenta," sabi niya pagkatapos. Lumingon ulit siya sa direksyon namin.


"Shit!" bulalas ni Bon at napaatras. Naapakan pa niya ang aking paa. "Sorry Jane." Agad naman niyang tinanggal ang kanyang paa. Mabilis siyang sumulyap sa'kin bago bumaling kay Finn.


"Anong gagawin natin Finn? Siguradong hindi natin siya matatakasan. Bakit kase wala dito ang ilan sa mga taga-Clarines? O sina Sir Nero at prof. Hera man lang," nag-aalalang sabi ni Bon. Nagkatinginan sila. Seryoso ang mukha ni Finn na tila nag-iisip. Lumingon s'ya sa mga manonood na parang mga langgam na nagkakalat at nagkakagulo  sa paligid. Tumatakbo ang iba at nagmamadaling umalis.



CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon