Chapter 12: Feelings
***
Unti-unti akong nagising sa puting kwarto. Nanghihina akong lumingon sa paligid. Sa huli, tumingin ako sa lalaking natutulog ng mahimbing habang nakasandal ang ulo niya sa kamang hinihigaan ko.
Inangat ko ang kanang kamay ko at marahang hinawi ang buhok na nakatabon sa noo ni Finn. Malalim ang bawat paghinga niya. Halatang napagod siya. Hinaplos ko ang kanyang sugat sa pisngi. Gamit ang aking kapangyarihan, unti-unti itong nawala. Sunod akong napatingin sa kamay niyang may benda. Hinawakan ko ito.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
Napabitaw ako kay Finn at napalingon sa nagsalita. Seryosong nakatingin sa akin si Prof. Hera bago sumulyap sa natutulog na si Finn.
"Ahm..Maayos naman.." mahinang sagot ko habang pinapakiramdaman ang aking katawan.
"Mabuti naman," aniya at saka lumapit sa kaliwang banda ng kamng hinihigaan ko.
Hindi na ako nagsalita at tiningnan na lang ang pagtulog ni Finn. Ayoko siyang magising.
"Pinapauwi ko siya kanina para makapagpahinga siya ng maayos, pero ayaw niya. Mas gusto niya dito para mabantayan ka," mahinang sabi ni prof. Hera.
"Ganoon ba..." wala sa sarili kong sagot habang nanatiling nakatingin kay Finn.
Bumuntong hininga si prof. Hera kaya tiningnan ko siya.
"Galing pa siya sa misyon kasama sila Nero nang malaman niya ang nagyari sayo mula sa mga kaibigan mo. Hindi siya nagdalawang isip na iligtas ka, kahit wala pang signal galing sa president," kunot noong sabi niya habang nakatitig sa akin na parang pinag-aaralan ang reaksyon sa aking mukha.
Nag-iwas ako ng tingin at napakunot noo.
"Kumusta pala ang mga kaibigan ko? At saka sina Rui, Bon, Kit, Palm at ang iba pa? Ayos lang ba sila? Anong nangyari?" tanong ko ng biglang maalala ang mga nangyari.
"Maayos na ang lagay ng apat mong kaibigan. Nakita sila ng dalawang estudyante ng academy at naidala sa hospital. Nandoon na sila ngayon sa academy at pumapasok na ng klase," sagot niya.
"Mabuti naman kung ganoon."nakahinga ako ng maluwag.
"Samantala ang section ng asterisk na kasama sa pagsugod sa laboratory ng Pieris Academy at mapaparusahan, lalong lalo na si Finn."
Gulat akong napalingon uli kay prof. Hera dahil sa sinabi niya.
"A-Ano? B-Bakit?" nalilitong tanong ko.
"Linabag nina Finn ang isa sa mga rules ng academy at higit sa lahat muntik na niyang mapatay ang headmaster ng Pieris academy, mabuti na lang nakarating kami at napigilan siya."
"Pero ginawa lang naman nila yun dahil sakin. Ako dapat ang parusahan. Ako ang may kasalanan," nakayukong sabi ko.
"Don't worry. Hindi naman mabigat ang parusa nila. Mas malaki ang parusa ng Pieris academy dahil sa pagdukot sayo. Hindi na sila makakasali sa academician battle at lahat ng sangkot sa pagdukot sayo ay makukulong kabilang na ang kanilang headmaster at Presidente."
"Ano ang parusa nila Finn?" tanong ko. Wala na akong pakialam sa mga taong dumukot sa akin. Mas importante sa akin ang kalagayan ng mga kaibigan ko.
"Hindi lang naman sila makakalabas ng academy ng isang buwan," sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang mababaw lang ang parusa nila.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...