Chapter 20: Lost in the Woods
***
Tulala ako sa kawalan habang ginagamot ang mga sugat ko ni ate Freya. Nandito kami ngayon sa isang suite na ino-occupy nina prof. Hera. Nasa iisang kwarto kami nina Finn, Rui, Bon, Palm at Kit. Wala sina prof. Hera, sir FM at ang president dahil nanonood daw sila ng laban ng ibang academy. Tanging si ate Freya at sir Nero lang ang kasama namin na nag-aasikaso sa amin.
Tulog sina Bon at Kit. Sabi ni ate Freya, natuwa daw sila kanina na mabalitaan na nanalo ang team namin. Nakaupo naman sa mahabang couch sina Rui at Palm na nanonood ng laban ng ibang academy sa maliit na telebisyon. Samantalang si Finn ay nakapikit sa isang upuan habang ginagamot siya ni sir Nero. Malalim ang paghinga niya kaya alam kong tulog siya.
"Ayos na Jane," sabi ni ate Freya sa akin at nagligpit ng mga gamit niya.
Tiningnan ko ang tiyan kong may benda at saka ngumiti kay ate.
"Salamat."
"No problem," aniya.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanya na pupunta ako ng kwarto upang magpahinga.
"Teka hindi ka ba muna kakain?" pigil niya sa akin. Lumingon sa amin sina Rui at Palm.
"Mamaya na lang siguro paggising ko," sagot ko.
"Sige."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Lumingon ako kay Finn na natutulog pa rin na tapos ng gamutin ni sir Nero. Tipid na ngumiti sa akin si sir. Sinuklian ko naman siya. Lumingon rin ako kina Rui at bahagyang tumango bago tuluyang tumalikod at saka lumabas ng kwarto.
Nanghihina akong nagtungo sa kwarto namin nina Kit at Palm. Nang makarating ako, agad kong binagsak ang aking katawan sa kama. Napangiwi pa ako ng sumakit ang mga sugat ko.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame. Naalala ko ang laban namin kanina. Siguradong nanood sa amin si daddy. Ano kayang reaksyon niya sa unang laban namin? Ano kayang mangyayari sa akin kung hindi ako niligtas ni Finn kanina? Mamamatay kaya ako at matatalo sa laban? Marahan akong kumurap at napahikab. Dahil siguro sa pagod at sakit ng katawan, agad akong nakatulog kahit na maraming katanungan sa aking isipan.
Bigla akong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Tumingin ako sa madilim na paligid. Lumingon rin ako kina Palm at Kit na mahimbing na natutulog sa kanilang kama. Napahawak ako sa aking tiyan nang tumunog ito.
Marahan akong umupo sa aking kama at nagsuot ng tsinelas. Nagsuot rin ako ng itim na jacket. Napangiwi ako ng tumunog ulit ang aking tiyan. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang ala una na ng madaling araw. Bukas pa kaya ang dining hall ng building na ito? Nagugutom na ako.
Tumayo ako at walang ingay na naglakad papunta ng pintuan. Nilingon ko muna sina Palm at Kit bago lumabas ng kwarto.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong jacket habang naglalakad sa hallway. Tahimik ang paligid at wala akong nakikitang mga tao. Pero may nararamdaman ako. Lumingon ako sa likuran ko. Pakiramdam ko may nakamasid sa akin. Linibot ko ang aking paningin at sa huli bumuntong hininga. Masyado na siguro akong gutom.
Pumasok ako sa elevator na walang tao ni isa. Bago ito tuluyang magsara may nakita pa akong kung anong itim sa hallway na dumaan. Umandar ang elevator pero nanatili ang isip ko sa aking nakita. Ano yun? Tao ba yun?
Tumunog ang elevator hudyat na may papasok. Pagkabukas nito, pumasok agad ang isang lalaking naka t-shirt na puti at ripped jeans. Magulo ang kanyang buhok at walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Tumabi siya sa kaliwa ko pagkatapos pumindot kung anong floor siya bababa. Napakurap ako at tumingin na lang sa kanan ko.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...