Chapter 33: Jane and Palm
***
"Bagama't patay na sina Steven at Sara ng Midori Academy, wala namang malay sina Bon at Kit ng Clarines Academy! Kaya napagdesisyunan ng mga hurado na tabla ang kanilang laban at walang nanalo!"
"What? Seriously?!" reklamo ni Palm. "Pagkatapos nina Bon at Kit gawin lahat at halos mamatay na sila, ganun lang ang magiging resulta ng laban nila."
Kanina pa kinuha ng mga medico sina Bon at Kit. Kinuha na rin ang bangkay nina Steven at Sara at malinis na rin ang gitna ng arena kahit wasak ang ilang bahagi nito.
Malala ang naging tama sa likod ni Bon. Halos nasira ang suot niyang damit at parang naluto ang balat niya. Pagagalingin ko na sana sila kaya lang ay pinagbawalan ako ng mga taga medic.
"I don't like the result of their fight," dagdag ni Palm.
"Mabuti na yung ganun ang kahinatnan ng laban nila kaysa naman sila ang namatay, di'ba?" ani Rui. "Maswerte parin sila."
"Tsk." Umismid lang sa kanya si Palm.
"Kailangan ng grupo natin na manalo sa susunod na laban." Tumango ako sa sinabi ni Rui.
"And now for the second round of the battle between the two academies." May binigay na kapirasong papel sa announcer ang co-announcer niya at saka binasa niya ito. "Umakyat na sa gitna ng arena sina Blair at Leona ng Midori Academy and sina Jane at Palm ng Clarines Academy!"
Nagkatinginan kami ni Palm sa gulat. Halatang hindi namin inaasahan yun. Halata ko rin ang disgusto sa mukha ni Palm.
"Umakyat na kayo," utos ni Rui sabay tulak sa likod namin ni Palm kaya napahakbang kami.
"Ano ba! Tsk!" reklamo ni Palm at naglakad na. Tahimik naman akong sumunod sa kanya.
"Bakit ikaw pa? Pwede naman si Finn ang makapartner ko. Akala ko boy and girl ang magpapartner," reklamo na naman ni Palm. Napabuntong hininga na lang ako.
Tumingin ako sa dalawang babaeng makakalaban namin. Seryoso ang kanilang mga mukha at walang mababakas na kung ano pa man. Tahimik silang nag-bow sa amin kaya napabow rin ako sa kanila bilang pagrespeto.
"SIMULAN NA ANG LABAN!"
Pumorma na sina Blair at Leona habang nakatingin parin sa amin. Kinuha ni Blair ang kanyang bow and arrow na nakasabit sa likod niya kanina. Si Leona naman ay hawak ang kanyang spear sa kanang kamay niya.
"Sayo yung may bow and arrow, akin yung may spear. At huwag kang humarang sa akin," mahinang sabi ni Palm sa'kin. Tumango lang ako sa kanya.
Kinuha ko ang espada at hinagis ang lagayan nito sa kung saan. "Mag-ingat ka," sabi ko kay Palm.
"Ikaw ang mag-ingat." Umirap siya sa'kin.
Unang nagpakawala ng dalawang arrow si Blair patungo sa direksyon namin. Tumakbo naman kami ni Palm papunta sa direksyon nila. Nakaiwas si Palm sa mga arrow at pinutol ko naman ang mga ito gamit ang espada ko.
Tumalon sina Blair at Leona at naghiwalay sa isa't isa. Nagtungo ako kay Blair at si Palm kay Leona na nakita ko pang hinagisan siya ng spear nito.
Sinugod ko si Blair gamit ang espada ko. Ginamit niyang harang ang bow niya at naglikha ng malakas na tunog ang pagtama ng sandata ko sa sandata niya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at namalayan ko na lang ang sarili na mabilis na nakikipaglaban sa kanya.
Mabilis siyang kumilos kaya wala akong magawa kundi makipagsabayan sa galaw niya. Napapaatras pa ako dahil sa pagiging agresibo niya.
"HAH!" sigaw niya sabay malakas na hinampas ang bow sa espada ko. Sinubukan ko siyang sipain pero nakakaiwas siya.
BINABASA MO ANG
CLARINES ACADEMY: The Battle of Powers
FantasyI just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers are vital in order to survive. In a place that you need to be strong to keep holding on. In a battle...