SIMULA:
“NABABALIW KA NA BA?!”
Umiling siya bilang pag-salungat sa pasinghal na sinabi ko. Kita sa mga mata niyang nagsasabi siya ng totoo pero kahit na gano’n, pinipilit ko sa aking sarili na nagsisinungaling lang ang lalaking kaharap ko. Tanga lang ang maniniwala sa kanya!
“Una, sa panahong ito, naniniwala ka pa rin ba sa aswang? At saka kung totoo ngang lungga ito ng mga aswang, bakit ako dadalhin dito ni Auntie? Alam niyang pwede akong mapahamak!”
Hindi siya kaagad nakasagot. Nanatili ang titig niya sa akin na wala manlang ka-emo-emosyon. Sa totoo lang, gusto ko nang batukan itong lalaki na 'to kanina pa. Napakatipid magsalita, parang pinagdadamot ang bawat salita na ilalabas ng bibig niya. Ganoon ba kahirap ibuka ang bibig kung may dila naman siya at hindi rin naman pipi?
Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. Wala akong laban sa kaniya, matipuno ang dibdib niya at may malapad na balikat. Kung gagalitin ko 'to, malamang na isang kamay lang ay bali ang buto ko. Pero kahit na gano’n, pinipilit kong magmatapang sa harap niya, para kahit papaano’y isipin niyang hindi ako mahina.
“Sumagot ka naman! May bayad ba ang bawat salita mo?!” sigaw ko.
Umiling siyang muli at hinuli ang kamay kong hindi pa nakakalayo sa kaniyang dibdib. Magaspang ang kamay niyang sakop ang maliit kong kamay. Marahas na kumabog ang dibdib ko nang makita ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata. Tila hindi yata siya nagsisinungaling!
T-totoo bang. . . mga aswang ang nakatira dito? At isa siya doon!
“Dinala ka niya rito dahil wala kang ibang mapupuntahan,” aniya sa malumanay na tono. Ngunit sa paraan ng paninitig niya sa akin. . . Kung aswang nga siya, hindi kaya. . . kainin niya ako?
Napakagat ako sa labi. Sa tingin ko hindi naman niya ako kakainin dahil mahinahon siya. Pero hindi dahil mahinahon siya, hindi na niya ako pwedeng kainin!
“A-aswang din ba si Auntie?” kinakabahang tanong ko.
Nagtiim-bagang siya at binitiwan ang kamay ko. Tinitigan niya ako nang mas matalim. . . na mas lalong nagpakaba sa aking dibdib.
“Hindi aswang ang Auntie mo,” sagot niya.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Sa wakas ay hindi niya naman yata ako kakainin. Saglit kong inakala na iniligtas niya ako sa mga aswang na 'yon para siya ang makakain sa akin. Pero bago siya makalayo, muli akong kinabahan nang huminto siya sa paglalakad.
“Siya nga pala.” Napalunok ako. “Hindi ka masarap, kaya huwag mong isipin na kakainin kita.”
—
Author's note:
Hi guys! I will be revising Sa Sitio Valiente. Thank you for patiently waiting! Nakalimutan ko pong i-post ang ending nito bago ako makontrata sa isang platform. Now, I'm back!
BINABASA MO ANG
Sa Sitio Valiente (PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING)
General FictionEmanuella Malum, a human who has demon blood has to unleash the prophecy that has been predicted for a long time, in order to stop the evil doings of Sitio Valiente's "aswangs". Nang mamatay ang ina ni Ema, walang kahit na sinong kamag-anak ang nais...