KABANATA 20:

728 37 4
                                    

KABANATA 20:

“NALAMAN MO NA BA, kung bakit ganyang klaseng kwintas ang ibinigay sa 'yo ni Sir Caelan?”

Tatlong buwan. Tatlong buwan na ang nakalipas pero nanatili pa rin ako sa Sitio Valiente.

Umiling ako habang tulala sa labas ng bintana ng isang convinient store na hinintuan namin ni Kata matapos namin mamili. May kaunting oras pa naman kami para kumain at magkwentuhan. Kada buwan lang kami kung magkita, para lang mamili ng mga kakailanganin namin sa isang buwan.

“Talaga ba? Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Tatlong buwan ka na sa kanila, ano 'yon? Hanggang ngayon wala ka pa ring clue?”

Umiling ako ulit at sumipsip sa straw ng softdrinks na binili namin. Kahit papaano ay nakakabili na ako ng mga pagkain at gamit na kailangan ko. Gusto ko nang umalis, pero mahaba-habang paglalakbay pa ang kailangan kong gawin bago pwede na akong umalis.

“Alam mo, pwede ka namang magkwento sa akin. Madadal ako pero hindi ako nagsasabi ng kahit anong sikreto. Nakikita ko sa mukha mo ngayon na may alam ka na,” aniya.

Lumingon ako sa kaniya. Nakatitig siya sa akin na halatang naghihintay at uhaw sa mga tanong na nasa isip niya.

“Tsaka ko na lang siguro ikukwento sa 'yo, siguro kapag paalis na ako sa Sitio Valiente,” sagot ko.

Napasinghap siya sa sinabi ko. “Aalis ka? Bakit?”

Tipid na ngumiti lang ako sa itinanong niya. Alam niyang hindi ko kailangan magpaliwanag. Kilala na niya ako kahit papaano. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana at tinanaw ang mga taong naglalakad sa labas, ang mga taong masayang nag-uusap at ang mga sasakyan na dumadaan. Hindi ko naiwasang mainggit sa kanila. Kailan ko kaya mararanasang maging malaya katulad nila? O, mararanasan ko pa kaya?

Natigil ako sa pagmamasid nang may mahagip ang mga mata ko. Kunot-noong napakalabit ako kay Kata.

“S-si Sir Trebor ba 'yon?” tanong ko kay Kata na ngayon ay napahinto sa pagkukwento.

Lumingon din siya sa labas ng bintana. Pareho yata kami ng ikinagulat at ikinatakot.

“Naku may bago na namang biktima si Sir Trebor, sayang ang ganda pa naman kaso papauto kay Sir,” ani Kata.

Ang isa sa mga sasakyan pala na naka-park sa harap ng pinuntahan naming convenient store ay sasakyan niya. Kulay itim iyon. Pinagbuksan niya ng pinto ang babae at masaya naman itong pumasok.

Nag-iwas ako ng tingin dahil baka makita niya ako rito. “Uwi na tayo, baka makita ako niyang si Sir,” sabi ko kay Kata.

Tumango siya at sabay na kaming tumayo. Hinintay naming makaalis at makailang minuto muna bago kami nagpasyang maghanap ng tricycle na pwedeng maghatid sa amin sa Sitio Valiente.

Nakarating kaagad kami sa terminal, oo, may terminal ng tricycle para sa Sitio Valiente. Pero kaunti lang ang sumasakay, syempre. At isa pa, kaunti lang din ang tricycle.

“Sitio Valiente po, sa bahay ng mga Araceli,” ani Kata sa driver.

“Ako po sa—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humablot sa braso ko at pinaharap ako sa kaniya. Gulat ang unang rumehistro sa sistema ko pagkatapos ay kaba nang makita ang nakangising mukha ni Sir Trebor.

“Babe!” tawag niya sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil sa itinawag niya sa akin.

“Trebor! Why are you leaving me? We are just flirting earlier and now you are leaving me?!”

Sumulyap ako sa babaeng kanina lang ay kangitian niya. Ngayon ay nakabusangot na ito.

Bago pa man ako makapag-react, hinawakan na ako ni Sir Trebor sa bewang at hinapit ako palapit sa kaniya.

“Babe, she’s nothing okay? Hinahabol niya ako. Hindi ko siya pini-flirt,” ani Sir Trebor sa akin. Pinisil niya pa ang bewang ko at sinenyasan ako gamit ang mga mata.

“What?! You have a girlfriend?!” anang babae pagkatapos sabihin 'yon ni Sir Trebor.

Muli niyang pinisil ang bewang ko at sapilitan akong napatango.

“O-oo!” sabi ko.

Magsasalita pa sana iyong babae pero inunahan na siya ni Manong driver.

“Ano ba? Sasakay ba kayo?” pagalit na tanong nito.

Lumingon ako sa driver at kaagad na tumango. Pero hindi iyon nangyari dahil inabutan na ni Sir Trebor ng pera ang driver at hinatak na ako palayo roon.

“S-sir!” pabulong na tutol ko.

“Sshh babe, I’ll make it up to you,” aniya pa.

Napalunok ako lalo na nang marinig kong sumusunod ang babae sa amin.

“Hey Trebor! You can’t do this to me!”

Nang makarating kami sa kotse niya, agad niya akong pinapasok sa kabila at patakbo naman siyang umikot sa driver’s seat.

Naabutan pa kami 'nong babae at pinukpok ang salamin ng kotse ni Sir Trebor pero hindi na nasundan dahil pinaharurot na niya ang kotse.

“Alam mo ba kung anong amoy ng mga babaeng ilang beses ng nagalaw ng iba’t ibang lalaki?”

Hindi ako sumagot. Kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari. Alam kong babaero si Sir Trebor pero hindi ko inakala na ganito pala ang ginagawa niya. . .

“Maganda pa naman kaso, hindi pa man dumadampi ang labi niya sa akin, alam ko na,” ngumisi siya at lumingon sa akin. “Huwag mo akong isusumbong kay Kuya, huh? Malilintikan na naman ako 'ron.”

Napalunok ako. Bakit? May karapatan ba akong magsumbong kung ganoon?

“Ang tahimik mo naman, ganyan ka ba talaga? Pwede ba akong magtanong kung ilang taon ka na?”

“Seventeen po,” sagot ko.

“Talaga? Bakit parang ang matured ng katawan mo?”

Bumaba pa ang tingin niya sa dibdib ko na bahagyang ikinagulat ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at sa labas na lang tumingin. Nakapasok na kami sa Sitio Valiente. . .

“Huwag kang mag-alala, hindi ko pinapakialaman ang hindi sa akin.” Tumawa siya pagkatapos 'non at hindi na muling nagsalita pa.

Habang tumatagal, mas lalo akong nasasakal sa lugar na 'to. Mas lalo akong hindi makahinga.

Nang makarating kami sa bahay, nagulat si Auntie Ida nang nakasakay ako sa kotse ni Sir Trebor. Hindi ako nakasagot at bahagya pang kinabahan pero si Sir Trebor na lang ang nagsabi.

“Nasalubong ko lang siya sa Bayan, isinabay ko na lang.”

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang lumabas si Sir Caelan. Nakasuot siya ng pambahay habang ang mga kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon.

“Talaga? Nasalubong mo lang?” matalim na pumukol ang mga mata ni Sir Caelan sa akin na para bang. . .

Kasalanan ko pa?

Sa Sitio Valiente (PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon