KABANATA 21:

731 35 5
                                    

KABANATA 21:

TITIG NA TITIG SA AKIN SI Sir Caelan habang naghihintay ng paliwang ni Sir Trebor. Habang nakatitig siya'y bumabalik sa isip ko ang lahat ng sinabi niya sa akin 'nong gabing 'yon. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Dahil ang aswang na ito, siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako.

"K-kuya naman! Kahit isang beses lang, maniwala ka naman sa akin!" Halatang kinakabahang paliwanag ni Sir Trebor.

Hindi kaagad sumagot si Sir Caelan, nanatili itong nakatitig sa akin.

"W-wala siyang kasalanan hoy! Kuya! Huwag kang ganiyan at kamuntikan mo na siyang kainin dati!" ani Sir Trebor pagkatapos ay hinawakan ang balikat ko. "Off limits siya Kuya! Bawal kumbaga kaya-"

Hindi pa man natatapos nu Sir Trebor ang sasabihin niya'y mabilis na napunta sa harapan ko si Sir Caelan at hinawi ang kamay ng kapatid niyang nakahawak sa balikat ko.

"Whoa!" Hindi makapaniwalang utal ni Sir Trebor.

Ako nama'y napakurap. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganoon kabilis pero nabigla ako sa biglang paghawi niya sa kamay ni Sir Trebor.

Lumingon si siya kay Trebor, ang mga panga niya'y nag-iigting habang nakatitig sa kapatid. Mas lalo namang nag-umigting ang kaba sa dibdib ko. Galit ba siya?

"K-kuya naman! K-kahit tanungin mo pa si E-ema!"

Bumuntong-hininga si Sir Caelan bago nagsalita, "Totoo ba 'yon, Ema?" tanong niya.

Napakurap ako dahil sa tanong na 'yon. Nagmadaling tumango ako kahit wala sa loob ko. "O-opo."

Ayaw kong maging away pa iyon ng dalawang magkapatid. Alam ko kung paano magalit si Sir Caelan kaya ganyan na lang ang takot at kaba ni Sir Trebor sa kaniya. Mas astang tatay pa nga ang turing niya kay Sir Trebor. Malayo ang deperensya ng edad nilang magkapatid, halos isang dekada.

Ngumisi si Sir Caelan at lumingon sa akin gamit ang matalim na mga mata. "Talaga lang, huh?"

Yumuko ako para iwasan ang matalim niyang. Tsaka naman niya kami tinalikuran at naglakad palayo. Doon naman nakahinga nang maluwag si Sir Trebor.

"Salamat, akala ko isusumbong mo na ako," bulong ni Sir Trebor sa akin.

Tumango na lang ako at akmang aalis na nang hawakan niya ulit ang braso ko. Naiirita na ako sa totoo lang pero wala akong magawa kundi ang tumigil. Amo ko pa rin siya kahit papaano.

"Mabait ka rin pala 'no? Akala ko masungit ka."

Lumunok ako, "Mabait lang ho ako dahil Amo ko kayo, SIR."

Binigyang diin ko ang salitang "Sir" sa dulo para malaman niyang hanggang doon lang talaga. Sa ilang buwan ko rito, gusto niyang makipagkaibigan sa akin. Ilang beses niya akong kinakausap, minsa pa nga tatabi na lang sa akin habang naglalaba ako o kaya naghuhugas ng pinggan. Kaya sa tingin ko, gusto niyang makipagkaibigan. Pero, ayoko kasing ma-attached sa kahit na sino rito. Maski nga sa sarili kong Auntie, ayoko. Dahil pakiramdam ko, sarili ko lang ang kakampi ko sa lugar na 'to.

Nang makapasok ako sa kwarto, nagbihis lang ako at lumabas na muli para magluto ng pagkain nila.

Oo, hinayaan na ako ni Auntie na magluto ng mga pagkain nila. Hindi ko nga lang alam kung karne ba ng tao o hayop ang niluluto ko. Nakahiwa na kasi 'yon, siguro si Auntie na ang naghiwa, hindi ko alam. Isa pa, hindi naman totoong takot sila sa bawang dahil may kasamang bawang ang niluluto kong pagkain. Huwag ang talaga asin. Ayaw nila ng may asin kaya ayos nang hindi ko tikman ang pagkain nila. Sa loob ng tatlong buwan, natuto akong kumain ng gulay lang. Hindi ko na yata kayang kumain ng karne.

Habang naghihiwa ako ng bawang at sibuyas na ipangsasahog ko sa adobo, naramdaman kong may naglakad sa likuran ko. Bumuntong-hininga ako dahil iyan na naman siguro si Sir Trebor.

"Sir Trebor, abala po ako sa pagluluto-"

"Ganoon ba talaga kayo kalapit sa isa't isa?" Mapait na tanong ni Sir Caelan.

Nahinto ako saglit sa paghihiwa. Hindi ko inaasahan na siya pala 'yon, akala ko hindi niya na ako kakausapin pa kahit kailan. Matapos niya kasing sabihin sa akin ang lahat, dumistansya na siya sa akin. Kakausapin lang ako kung kinakailangan.

Hindi ako ngsalita at nagpatuloy sa paghihiwa. Hindi ko pinansin ang tinanong niya dahil hindi ko iyon masagot.

Narinig ko ang unti-unti niyang paglapit. Sa totoo lang, kinakabahan na naman ako, palagi naman sa tuwing lalapit siya. Kasi pakiramdam ko, anumang oras ay sasakalin niya ako o kaya'y kakainin. Natatakot na ako, nagkaroon na ako ng trauma sa kaniya.

"Napapansin kong palagi kayong magkausap. . ."

Ano naman? Gusto ko sanang tanungin pero hindi ko ginawa. Sinunod kong hiwain ang sibuyas. Hinayaan ko siyang makalapit. Kung may gagawin man siyang masama, itatarak ko sa kaniya itong kutsilyong hawak ko.

"Umamin ba siya sa 'yo na gusto ka niya? O baka naman ikaw ang may gusto sa kaniya?"

Ibinagsak ko ang kutsilyo sa lamesa at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi na ako natutuwa. Hindi na maganda ang ibinibintang niya sa akin.

"Wala akong gusto kay Sir Trebor," mariing sagot ko. "Hindi ako kahit kailanman magkakagusto at wala rin akong balak magpakasal sa aswang."

Halata sa mukha niyang nabigla siya sa sinabi ko. Hindi niya yata inaasahan na sasagutin ko siya. Kahit naman takot ako sa kaniya, may karapatan pa rin akong lumaban.

Ibinaba ko na muli ang tingin ko sa hinihiwa ko at hinayaan siyang nakatayo roon. Wala na akong ipapaliwanag at hindi ko kailangan magpaliwanag dahil maliwanag pa sa liwang ng buwan ang sinabi ko.

"Hindi mo ba naaalala ang sinabi ko sa 'yo? Na hinulaan ako at sinabing papakasalan ko ang unang anak ng pamilyang may dugong demonyo?"

Hindi ko na siya sinagot. Syempre, sino bang hindi makakaalala sa mga ganoong salita? Hindi ko 'yon makakalimutan. Itinatak ko sa isip ko na hinding-hindi mangyayari 'yon. Na hindi ko pakakasalan ang isang aswang.

Siguro kung gagawin ko man 'yon, wala siguro ako sa sarili no'n?

"Sabagay, hula lang naman 'yon? Sino pa bang naniniwala sa ganoong klaseng hula?" aniya sa mapait na tono pagkatapos. . .

Tuluyan na siyang umalis sa kinatatayuan niya.

Sa Sitio Valiente (PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon