KABANATA 25:SOBRANG HAPDI NG LIKURAN matapos akong matamaan ng matatalas na kuko sa likod ko. Sa mga oras na 'to, wala na akong pag-asa. Tuluyan ko nang ipinaubaya ang sarili ko sa Diyos.
Pumikit ako at hinayaan ang sarili kong kusang bumagsak sa sahig. Ngunit hindi iyo nangyari, nabigla ako nang may sumalo sa akin kasabayng malakas na hiyaw at alulong ng mga aswang na nasa likuran ko. Tila, sobra silang nasaktan.
“Tara na!”
Kahit nagtataka at masakit ang likod at paa ko, napadilat ako para tanawin ang boses ng lalaking sumalo sa akin. Isang kamay na binitbit niya ako palabas ng malaking bahay.
Naririnig ko ang pag-atungal ng mga aswang na sumusunod sa amin.
“T-teka, sino ka?!” gulat na tanong ko.
Pagkalabas namin ng bahay ay naaninag ko ang kulay pulang motorsiklo roon. Kaagad niya akong isinampa roon pagkatapos ay siya na rin.
“Kuya!”
Napalingon ako sa gate, naroon ang isang babaeng siguro’y kaedaran ko lang. Binuksan niya ang gate at tuluyang humarurot ang motor. Kamuntikan pa akong mahulog. Mabuti na lang ay napahawak ako sa damit niya.
“Kumapit ka sa bewang ko! Huwag kang mahiya, maawa ka sa sarili mo!” sigaw niya.
Iyon nga ang ginawa ko. Kasunod 'non, muli kong narinig ang sigaw ng mga aswang. Ang nakakatakot na ungol nila ay nagpapakaba sa aking dibdib. Ngunit kahit na natatakot, hindi ko alam kung bakit lumingon pa rin ako. Sa pag-lingon ko’y nakita ko ang apat na aswang na sumusunod sa amin. Mga mistulang asong lobo sa laki ngunit kakaiba talaga ang itsura. Nanginginig ang buo kong katawan pero hindi ko iyon halos maramdaman dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa katawan ko kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo.
“Putangina naman kasi, ang tanga-tanga, nagpapasugat pa alam namang aswang mga nakatira dito. Mamaya nito mas maraming aswang na susunod sa atin!” reklamo ng lalaking tumulong sa akin.
Hindi ako nakasagot. At tama nga ang sinabi niya, bawat dinadaanan namin ay may sumusunod na aswang! Kapit na kapit na ako sa bewang ng lalaki lalo na nang iliko niya ang motorsiklo. Halos matumba kami sa ginawa niyang iyon. Tumili ako dahil hindi ko na kaya ang takot at kaba.
“Putangina talaga!” sigaw niya at mabilis na nilampasan ang linya-linyang mga puno roon.
Mayamaya pa’y may naaninag ako, kumakaway siya, iyong babae na naman kanina. Paano siya nakarating kaagad r’yan?!
Nang lumagpas kami sa kulay puting linya, unti-unting bumagal ang takbo ng motor. Unti-unting mas lumakas ang atungal ng mga aswang na humahabol sa amin.
“Maaabutan nila tayo!” sigaw ko.
“Hindi, tangina! Hindi iyan sila makakalabas d’yan!” sigaw niya.
Hininto niya ang motorsiklo at sabay kaming napalingon sa babaeng naglalakad palapit sa amin.
“Grabe, muntik na mapudpod ang sapatos ko makarating lang dito,” anang babae habang naglalakad papalapit sa amin.
Bumaba iyong lalaking nagligtas sa akin sa motor niya at naglakad palapit sa mga aswang na gusto pa rin akong habulin kahit na hindi sila makalabas.
“Iyong Kuya mo? H-hindi ba siya natatakot?!” gulat na tanong ko. “Paanong hindi sila makalagpas?”
“Paano siya matatakot e, mga kauri namin 'yan.” Natatawang sagot niya. “Hindi sila makakalabas d’yan dahil may dasal ng manghuhulang si Odessa ang asin na ginamit namin pangharang. Tsaka hanggang d’yan lang ang Baryo Guerrero.”
“Kung aswang din kayo, paanong—”
Ngumisi ang babae sa akin, nanlaki ang mga mata ko nang humakbang siya palapit sa akin. Iniligtas ba nila ako para. . .
“Rawr!”
“Ahh!” sigaw ko pero humagalpak siya nang tawa.
“Ang gago mo talaga, Rayah. Huwag mo nga s’yang ganyanin.” Naglakad palapit sa akin 'yong lalaki. “Dadalhin ka namin sa hospital, kasi kung hindi baka maubusan ka na ng dugo. Alam kong rare type ang dugo mo. Kaya mahirap maghanap ng ganyan. Hindi mo naman gustong gumastos ng malaki.”
“AB negative?” tanong 'nong si Rayah daw.
“Oo,” sagot ko.
“Sus! Rhnull ang rarest!” natatawang sabi ni Rayah.
“Ewan ko sa 'yo, baliw!” bulyaw 'nong lalaki at muling sumakay sa motor.
“S-salamat nga pala. . .” Nahihiyang sabi ko.
“Huwag kang mag-alala, may mapapala naman kami dito,” aniya.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang 'yon, basta nagpapasalamat ako na iniligtas niya ako matapos ng kamuntikan ko nang pagkakalapa. Hindi ko inakala na pati si Sir Caelan, ganoon pa rin. Akala ko ba hindi niya na hahayaang mangyari iyon ulit?
Hindi pa rin pala.
Hindi na dapat ako nagtiwala.
Nang makarating kami sa hospital, naguluhan ang mga doctor nang makita ang sugat sa likod ko. Hindi sila makapaniwala na nagasgas ako sa yero. Iyon ng sinabi ni Rayah.
Tawa siya nang tawa nang makalabas ang doctor at tapos na akong gamutin sa likod.
“Puta, nagasgas sa yero. Ang tanga mo kung totoo nga talagang gasgas 'yan!”
Siniko siya ng kapatid niyang lalaki na parang hiyang-hiya sa ginagawa ni Rayah.
“Paano nga palang hindi n’yo ako gustong kainin ganoong halos lahat sila, gusto ako.” tanong ko sa kanila.
“Akala mo kasi, lahat kami gusto ka. Huwag kang assuming,” pairap na sabi ni Rayah. Nahiya tuloy ako bigla. “Chos! Hindi pa kasi kami ganap na aswang. Hindi pa kami hayok sa laman ng tao. Although may mga characteristic nila kami, like strenths, hindi pa ganoon ka-fully develop.”
“Gano’n ba 'yon?” takang tanong ko.
“Oo gano’n 'yon. Wala ka bang alam sa mga aswang? Diyos ko day, kilalang-kilala kami sa buong Philippines!”
Yumuko ako at umiling. Akala ko kasi noon expression lang 'yon ng mga kamag-anak ko at ng mga kaibigan ko. Kapag aswang ka, ibig sabihin pangit ka. Hindi ko alam na ganoon pala. Lumaki akong iyon ang itinuro sa akin ni Mama.
“Gano’n? Siguro gusto kang protektahan ng Mama mo,” sagot ng lalaki.
Naglahad siya ng kamay sa akin, iyong lalaking nagligtas sa buhay ko.
“Rave ang pangalan ko,” pagpapakilala niya.
Malugod ko naman iyong tinanggap. “Ako naman si Ema.”
“Duh? Alam namin. Kapatid kaya kami ni Vane, iyong isang aswang na humabol sa 'yo. Alam namin ang lahat!”
Napalunok ako. Kung kapatid sila ni Vane, bakit nila ako tinulungan?
“Para gumanti, Ema.” Sagot ni Rave sa tanong na nasa isip ko pa lang.
BINABASA MO ANG
Sa Sitio Valiente (PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING)
General FictionEmanuella Malum, a human who has demon blood has to unleash the prophecy that has been predicted for a long time, in order to stop the evil doings of Sitio Valiente's "aswangs". Nang mamatay ang ina ni Ema, walang kahit na sinong kamag-anak ang nais...