Sinipsip kita
Lalong sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "Ulitin mo nga yung sinabi mo" galit na utos ko sa kanya.
Mas lalong humaba ang nguso ni Sachi. "Wala naman po akong sinasabi kuya" naiilang na sagot niya sa akin tsaka muling nagiwas ng tingin. Ilang beses niya sinubukang sumulyap sa akin, pero siya na din mismo ang nagiiwas ng tingin dahil sa talim ng tingin ko sa kanya.
"Bahala ka na nga diyan, iinisin mo pa ako" bwiset na sabi ko sa kanya at nagaw ako pang magdabog bago ko siya iniwan duon.
"Nahiya naman ako sa sulat mong pang Doctor" pahabol napangaasar ko pa dahil sa inis ko sa kanya.
Ayaw daw amputa. Bakit, ano bang meron si Tadeo na wala ako. Halos magkamukha lang naman kami.
Ilang araw kong hindi pinansin si Sachi matapos ang gabing iyon. Inis pa din ako sa kanya kaya naman mas pinili ko na lamang na iwasan siya kesa naman magaway nanaman kaming dalawa.
Araw ng lunes ng maaga akong pumasok sa eskwela. Hindi ako sumabay sa aking mga kapatid na may kanya kanya din namang mundo. As usual, sa paboritong kuya Tadeo nanaman niya sumabay si Sachi, the hell I care.
"Kamusta yung mga kapatid mo?" Salubong ni Kyle sa akin kaya naman kumunot ang aking noo.
"Sino duon?" Tamad na tanong ko sa kanya habang binubuksan yung sandwich na binili ko sa 7/11 bago ako pumasok ng campus.
Napakamot ng ulo si Kyle. "Hindi mo ba nabalitaan, magkaaway sina Tadeo at Kenzo ngayon dahil sa isang babae" kwento niya sa akin kaya naman parang may kung anong pumitik sa aking tenga.
"Sinong babae?" Mabilis na tanong ko sa kanya.
"Si Fideliz...Mari Fedeliz yung Queen of the night nung prom. Ano ka ba?" Sagot pa niya sa akin at bahagya pang nainis dahil hindi ko kilala yunh sinasabi niya babae.
Napairap ako sa kawalan. "Pakialam ko duon" tamad na sabi ko pa sa kanya.
"Gago, pinagaagawan yun nang mga kapatid mo hindi mo alam. Halos magpatayan na nga sila nung isang araw sa court" kwento pa ni kyle sa akin.
Nanlaki ang mata nito ng makita niyang napangisi ako. "Edi mabuti" sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinagulat.
Ngiting ngiti ako dahil sa nalaman, sa wakas nabawasan ng dalawa ang kahati ko sa atensyon ni Sachi. Si Cairo na lang ang dapat kong bantayan.
"Anong mabuti duon?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "May sinabi ba akong mabuti?" Nakangising tanong ko sa kanya.
Umirap na lamang ito sa akin at tsaka umupo ng maayos sa sarili niyany upuan. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang good modd ako ngayon. Kaya naman kahit walang nakakatawa sa itinuturo ng professor namin ay nakangiti ako.
Matapos ang unang klase ay kanya kanya na kami sa paglabas para pumunta sa susunod na classroom. Nasa hallway ako ng PJP ng makita ko ang aking kapatid na si Cairo, kasama nito ang ilang mga kaklase. Nang makita niya ako ay tinanguan niya lamang ako at lalagpasan na sana pero mabilis ko siyang hinabol.
"Can we talk?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
Sandali siyang nagpaalam sa mga kasama. "Ano yun?" Iritadong tanong niya sa akin na para bang sasayangin ko ang ilang minuto ng buhay niya.
"Are you courting someone?" Diretsahang tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
"The hell you care" nakangising tanong niya sa akin.