Chapter 19

113K 3.5K 839
                                    

Run with me Sachi


Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Kuya Piero habang yakap yakap ko siya. Alam kong hindi siya makapaniwala sa aking sinabi, pero ganuon din naman ako.

"Kuya..." umiiyak na tawag kong muli sa kanya.

Dahan dahan niya akong inilayo sa kanya para maayos niya akong maharap. Titig na titig siya sa aking mga mata habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha duon. Ikulong ng kanyang nanginginig na mga kamay ang aking magkabilang pisngi.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo" emosyonal na utos niya sa akin. Punong puno ng pagsusumamo ang kanyang boses.

"Bu...bumalik na ako, Kuya Piero" pumiyok pang paguulit ko.

Natawa ito habang umiiyak bago niya ako muling hinila papalapit sa kanya para muli akong yakapin ng mahigpit. Kaagad ko iyong ginantihan.

"Sabi ko na eh, hindi ako nababaliw. Ikaw talaga si Sachi, ikaw talaga ang Sachi ko" punong puno ng emosyon na sambit pa niya habang mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.

Naramdaman ko pa ang paulit ulit na halik nito sa aking ulo. "Mahal na mahal kita Sachi..." madamdaming sabi pa niya kaya naman hindi ako kaagad nakapagsalita. Nabigla din sa aking narinig kahit pa ilang beses ko ng narinig na mahal niya ako nung una pa man kaming magkita bilang ako si Amaryllis.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin, mukhang napansin niya ang aking pagkabato dahil sa narinig. Tumango tango siya sa aking harapan na para bang ipinababatid niya, ayos lang iyon. Na tama ang narinig ko, wala siyang pinagsisisihan sa kanyang sinabi at siguradong sigurado siya duon.

"Hindi na ako matatakot na paulit ulit sabihin sayong mahal kita, wala na akong pakialam sa batas wala na akong pakialam kung sa mata ng batas magkapatid tayo. Minsan ka ng nawala sa akin, hindi na ulit...hindi na ako papayag" seryosong sabi niya sa akin at paninigurado.

Halos manlabo siya sa aking paningin dahil sa mga nagbabadyang luha sa akint mga mata. Parang may kung anong nakaharang sa aking lalamunan kaya naman hindi ko magawang magsalita. Nanatiling dinama ang kanyang mga sinabi, bumigat ang aking dibdib. Punong puno ang puso ko.

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Buong akala ko ay hahalikan ako nito sa labi. Ngunit buong lambing na hinalikan nito ang aking noo. "Mabubuhay ako para sayo. Ikaw ang rason kung bakit mabubuhay ako ulit" he said in relief. Ramdam ko ang paggaan ng dibdib nito.

Hindi niya kaagad tinanggal ang kanyang malambot na labi na nakahalik sa aking noo. Pareho kaming nakapikit habang dinadama ang presencya ng isa't isa.

"Guevarra!" Sigaw ng ilang mga tauhan ng Agrupación.

Dahil sa narinig naming nga sigaw ay kaagad na napahiwalay si Kuya Piero sa akin at tsaka kaagad na hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Umalis na tayo dito" seryosong sabi niya sa akin at tsaka kami tumakbo.

Hindi maalis ang tingin ko kay Kuya Piero habang tumatakbo kami para tumakas duon. Muli akong naluha at tipid na napangiti. Handa akong tumakbo kasama siya kung kinakailangan. Hindi rin ako papayag na masayang ang pangalawang pagkakataon na nakita kong muli siya.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa matakasan namin ng tuluyan ang mga humahabol sa amin. Nakarating kami sa tuktok ng lumang building. Binitawan ako ni Kuya Piero at tsaka mabilis na hinigit ang aking bewang. Pinagtapat niya ang aming mga noo habang kapwa namin hinahabol ang aming mga hininga.

"Are you willing to run with me Sachi?" Malambing na tanong niya sa akin.

Halos mamungay ang aking mga mata dahil sa lambing ng kanyang boses. "Sabihin mong Oo. Handa akong takbuhan ang mundo kasama ka..." muli pa niyang sabi kaya naman halos tumayo ang balahibo ko dahil sa lamig ng kanyang boses. Parang kang hinehele.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon