Chapter 43

94.2K 3.3K 633
                                    

In sickness and in health





Mabilis ding umalis si Vera pagkatapos nuon. Hindi na siya pinansin ni Piero kaya naman kita ko kung paano namula ang kanyang mga mata. Bayolente din siyang napalunok habang pinagmamasdan ang mga tao duon na nakasaksi nang pamamahiya sa kanya.

"Naku pasencya na kayo. Ganyan talaga ang batang iyan, balibhasa nagiisang babae ng mga montero kaya naman sunod ang lahat ng luho. Mabuti na lamang at kahit papaano nasusuway ng kanyang pinsan na si Rafael" paumanhin at paliwanag sa amin ni Tito Darren. Tipid na lamang akong tumango sa kanya bago ako bumaling kay Piero na hanggang ngayon ay nakasimangot pa din.

"Hindi lahat ng gusto niya makukuha niya. Balak pa niya akong kuhanin kay Amaryllis" nakabusangot na sabi pa niya sabay tingin sa akin. "Amputa, ipagdamot mo naman ako. Parang ayos lang sayong nilalandi ako nung Vera ah!" Galit na sabi niya sa akin kaya naman kaagad bumagsak ang aking mga mata sa aking kamay.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tito Darren. "Masyadong mabait itong nobya mo Hijo. Ikaw na ang bahala ipagdamot ang sarili mo" pangaasar sa kanya ng tiyo kaya naman mas lalong bumusangot si Piero.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko na si Tita Luna na magligpit ng nga pinagkainan. Naramdaman ko si Piero sa aking likuran. "Ayos ka lang ba magisa sa bahay?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon at tinanguan.

"Ako nga nagaalala sayo dito..." malumanay na sabi ko sa kanya. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay unti unting lumambot.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. "Ayos lang ako dito. Basta ang gusto ko paguwi ko nasa bahay ka" malambing na sabi pa niya na kaagad kong tinanguan.

Umuwi kami ni tita Luna dala dala ang mga pinagkainan. Nasa kalagitnaan pa lamang kami ay kaagad kaming nakarinig ng mabilis ma takbo ng kabayo. Nanlaki ang aking mga mata nh makita kong si Vera iyon. Galit na galit siyang nakatingin sa akin at mukhang desididong ipasagasa ako sa kabayo niya.

"Diyos ko!" Hiyaw ni Tito Luna ng kaagad akong tumalsik sa gilid ng daan dahil dito. Napangiwi akon dahil sa pagkakasalampak ko sa daan, mabuti na lamang ay madamo duon.

Napangiwi ako. Nilingon ko si Vera sakay ng kanyang kabayo. Malayo na siya, at hindi man lang nagabalang huminto kahit pa nasanggi niya ako. Pinilit kong makatayo kaagad at tsaka isa isang pinulot ng mga gamit na kumalat sa lupa dahil sa pagkakabitaw ko.

"Kaya mo bang maglakad Hija?" Nagaalalang tanong sa akin ni Tita Luna tsaka niya ako inakay.

Tumango ako. "Tita, wag na lang po sanang makarating ito kay Piero. Ayoko pong magalala pa siya" pakiusap ko pa sa kanya. Kita ko pa ang pagkagulat niya nung una pero kaagad din niya akong tinanguan pagkatapos.

Pagkauwi sa bahay ay mabilis kong hinugasan ang mga pinggan, pagkatapos nuon ay nagtungo ako sa may sala at nakangiwi akong umupo nang dahan dahan sa sofa na gawa sa kahoy. Hawak hawak ko pa din ang aking balakang dahil sa nararamdamang sakit duon. Napabuntong hininga na lamang ako, ang sakit na nararamdaman ko sa aking balakang ay umaakyat patungo sa aking dibdib dahilan para makaramdam ako ng paninikip dito.

Dahil sa takot na magpatuloy ang paninikip ng aking dibdib ay minabuti ko na lamang na humiga sa may sofa at hindi din nagtagal ay dinalaw ako ng antok. Hindi ko namalayan ang oras, napasarap ang kanina sanang pahidlip lang. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kaagad kong nakita ang malambot na unan na nakaunan na sa aking ulo, wala iyon kanina.

"Kanina ka pa?" Malumanay na tanong ko kay Piero ng makita kong kakababa lamang nito sa aming kwarto. Basa ang kanyang buhok at kakasuot lang niya ng puting tshirt.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon