She is gone
Halos malunod ako ng aking mga luha. Ang mga matang nakatingin sa akin ngayon ay kapareho ng mga mata ni Amaryllis sa tuwing tinititigan niya ako. Inosente at nangungusap, hindi ko napigilang mapahikbi. Kumunot ang noo ng bata dahil sa aking itsura.
"Cry? Stop cry" nakangusong sabi niya sa akin. Maging ang kanyang boses ay malambing din. Halos mamanhid ako ng hawakan ng maliit at malambot niyang kamay ang aking pisngi.
Hinawakan ko din ang kamay niya at dinala iyon sa aking labi para halikan. "Where's Mommy? Uhm..." malambing na tanong ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot, nanatili siyang nakatingin sa akin. Damn, kamukhang kamukha ni Amaryllis.
Marahan ko siyang hinila at mahigpit na niyakap. Hindi pumalag ang anak ko, naramdaman ko din anh pagkakawit ng kanyang braso sa aking leeg. "I love you..." bulong ko a kanya, at para na din kay Amaryllis.
Paulit ulit ko din siyang hinalikan sa kanyang pisngi. Ngumuti siya dahil duon. "What's your name?"
Halos masakop ng pareho kong mga kamay ang kanyang maliit na mukha. "Prymer" tipid na sagot niya sa akin. Tipid akong tumango.
"Lolo!" Sigaw niya sabay turo sa aming likuran. Kaagad akong lumingon duon at nakita ang marahang paglapit sa amin ni Doctor Guevarra. Tipid niya akong nginitian.
"Her name is Prymer Amora Herrer..."
Mas lalo akong napasinghap ng marinig ang buong pangalan ng aming anak. Prymer Amora in spanish means First love. Damn, it was love at first sight, anak. Muli kong binalingan ang bata sa aking harapan, ngiting ngiti pa din ito sa akin.
"Nasaan ang asawa ko?" Matapang na tanong ko kay Doctor Guevarra ng makaroon ako ng lakas ng loob.
Muling kumirot ang dibdib ko ng bumagsak ang kanyang mga mata sa lupa. "She is gone Piero..." halos pabulong na sagot niya sa akin.
Marahas akong umiling. Hindi ito totooo! Hindi pwede!
"Bakit? Bakit hindi bumalik?" Pumiyok na tanong ko. Punong puno ng pait at sakit ang aking boses. Akala ko ba ay babalik? Naghihintay ako!
Nakita ko ang pagod at sakit sa mga mata nito. "Bumalik siya sayo Piero...look at your daugther" marahang paliwanag ni Doctor Guevarra sa akin. Nagpatuloy ako sa pagiling, hindi ako tatanggap ng ganitong sagot mula sa kanila. Hindi ko tatanggapin ang sagot na ito.
Nanigas ako ng maramdaman ako ang paghawak nito sa aking binti. Bumaba ang tingin ko sa kanya, sinalubong ako ng kanyang nangungusap na mga mata.
"Dad...daddy?" Tawag niya sa akin. Bayolente akong lumunok, patid ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang buhatin ko siya pero hindi ko ginawa.
I want Amaryllis!
Simula ng bumalik kami sa loob ng bahay ay hindi ko na muling tinapunan ang bata ng tingin. Hindi ko kaya...hindi ko na kayanh tingnan pa siya.
"Matalinong bata ito, hindi mo aakalaing 2 years old pa lang" puna ni Mommy habang kandong ang kanyang apo. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang tuwa nila sa bata.
Nanatili akong tahimik, ramdam ko ang mga pagsulyap ni Doctor Guevarra sa akin. Wala akong ganang makipagusap, muli nanamang sumagi sa aking isipan ang pagtapos sa akin buhay. Biglang namanhid ang buong katawan ko, wala na akong ibang maramdaman. I want Amaryllis, gusto ko siyang makita. Siya ang kailangan ko, siya lang ang gusto ko!.