After 2 years
"Parang awa mo na, wag mo akong patayin" umiiyak na pagmamakaawa ng isang lalaking pumatay ng isang matanda para pagnakawan ito.
Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. Dahan dahan kong ikinabit ang silencer sa aking hawak na baril. Halos lumuhod siya sa aking paanan, pero hindi na iyon uubra sa akin. Hindi deserving ang mga katulad niya para sa second chance.
"Nagawa ko lang naman iyon para sa pamilya ko" pagdadahilan pa niya sa akin.
Hindi ko siya pinakinggan. "You can't fool me idiot, alam ko kung saan mo ginagastos ang perang ninanakaw mo, sa droga!" Asik ko sa pagmumukha niya.
Nagsimula nanaman siyang ngumawa at magkaawa. Tamad ko lamang itong tiningnan, ni wala akong nararamdaman habang nakatingin sa kanya, ni kahit kaunting awa ay wala din.
"Parang awa mo na..." pinal na sabi pa niya bago siya kaagad na bumulagta sa sahig dahil sa pagkakabaril ko sa kanya.
"Hindi ako tumatanggap ng bagay na minsang ipinagkait sa akin" nakangising sabi ko sa walang buhay nitong katawan.
Muli akong napatawa kasabay ng pagpiyok. Muli ko nanamang naalala ang nangyari dalawang taon na ang lumipas. "Mahihina lang ang humihingi ng awa" sabi ko pa sa aking sarili.
(Flashback)
Ginawa ko ang lahat para gisingin si Sachi, hindi ko iyon matatanggap. Hindi pwede.
"Piero tama na iyan" pagsuway sa akin ni Kenzo.
Kaagad ko siyang hinarap. "Tulungan mo siya, tulungan mo si Sachi, hindi pwede to" pamimilit ko sa kanya. Para na akong tatakasan ng bait, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nakita ko ang muling pagtulo ng luha sa mga mata nito. "Let her rest, let her go..." pumiyok na sabi pa niya sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao. Muli ko siyang hinarap at tsaka kinwelyuhan. "Anong sabi mo?" Nanggigil na tanong ko sa kanya.
Mariin siyang napapikit. "Walang may gusto nito Piero. Sa tingin mo ba madali para sa akin ito. The least we can give to Sachi is to let her go, peacefully..." pilit niyang pagpapaintindi sa akin pero alam ko sa sarili kong hindi ko kailanman iyon maiintindihan.
"Wala kang kwenta" asik ko sa kanya at bayolente siyang binitawan.
Muli kong hinarap ang wala ng buhay na katawan ni Sachi. Pilit na hinahawakan ng mahigpit ang kanyang kamay, pilit na humahanap ng pagasang pisilin din niya iyon pabalik. "Ikaw nasaan ka nung kailangan ka niya?" Mapanuyang balik na tanong niya sa akin.
Napahinto ako. "Ikaw ang huling tinawagan ni Sachi, ni isang tawag hindi mo sinagot" pagbibintang pa niya sa akin.
Parang may kung anong malaking bagay ang bumara sa aking lalamunan, hindi ako makapagsalita hanggang sa ang malaking bagay na iyon ay unti unting bumaba sa aking dibdib dahilan kung bakit halos mahirapan akong huminga.
"Baka hihingi sana siya ng tulong sayo, pero hindi mo sinagot" paguulit pa ni Kenzo.
Halos malukot ang puting kumot dahil sa pagkakakuyom ko sa aking kamao. "Hindi ko alam..." madiing sagot ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa, pero mas lalo akong nagalit. Nagalit ako sa aking sarili. Kaagad akong lumapit sa pader at pinagsusuntok iyon. Gigil na gigil, ginamit ko ang lahat ng natitirang lakas ko para suntukin iyon. Galit na galit ako, hindi kung kanino kundi sa aking sarili.