Magnanakaw
Nahihiya akong napayuko ng makita ko ang pagtitig sa akin ni Piero. Kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya naniniwala sa sinabi ng ina. "Piero anak..." pagtawag ni Ma'm Maria sa kanya dahil sa patuloy na pagkabato nito.
Kaagad siyang nagiwas ng tingin ng makabawi. "Please be nice to Amaryllis. Please..." pakiusap ni Ma'm Maria sa kanya.
Kita ko ang pagikot ng mata nito dahil sa pagirap. "I can't promise" matigas na sabi niya at kaagad na lumabas duon.
Napabuntong hininga si Ma'm Maria at muli akong hinarap. "Pagpasencyahan mo na si Piero, matagal ng ganyan iyan" natatawang sabi na lamang niya kaya naman tipid akong ngumiti.
"Naiintindihan ko po" malumanay na sabi ko.
Napangisi si Ma'm Maria. "Alam mo sa tingin ko, napainom ko si Piero ng expired na gatas kaya ganyan" biro pa niya sa akin na pareho naming ikinatawa.
Binigyan ako ni Ma'm Maria ng ibang dollshoes na pwede kong suotin. Hawak hawak niya ang aking kamay pagkababa namin sa kanilang magarang mansion. Mas nabigla ako ng makita kong kumpleto na sa may sala ang quadruplets. Parang bigla akong nanibago na makita silang magkakasama, halos magkakamukha.
Pero pareho pareho lang silang nabato sa kinauupuan at napanganga habang pababa kami ni Ma'm Maria sa hagdanan, pwera kay Piero na hindi man lang nagtapon ng tingin sa amin. "Who the hell?" Wala sa sariling sambit ni Kuya Kenzo, nakilala ko kaagad siya dahil sa suot na white coat.
"Everyone, meet Amaryllis Sachi's twin" pagpapakilala ni Ma'm Maria sa akin kaya naman nahihiya ko silang nginitian.
Kaagad na napatayo si Kuya Kenzo at Kuya Tadeo. Nanatiling nakaupo si Kuya Cairo na nakita ko na kanina. Lumapit silang dalawa sa akin, titig na titig sa aking mukha. Kita ko ang panunubig sa mata ni Kuya Tadeo, walang sabi sabi ako nitong niyakap.
Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Pero hindi sinasadyang napatingin ako sa kinauupuan ni Piero. Matalim ang tingin niya sa akin. Nagiwas na lang kaagad ako ng tingin sa kanya.
Matapos akong yakapin ni Kuya Tadeo ay si Kuya Kenzo naman ang pumalit. "Can i hug you?" Paghingi niya ng permiso na kaagad ko namang tinanguan.
"Parang si Sachi na din ang niyayakap ko..." emosyonal na sabi niya habang nakayakap sa akin. Hinayaan ko na lamang sila, naiintindihan ko naman na nangungulila pa din sila sa aking kapatid.
Pagkatapos nuon ay hinila ako ni Ma'm Maria paupo sa sofa kaharap ang mga ito na hindi pa din maalis ang pagtitig sa akin. Napansin ni Ma'm Maria ang aking pagkailang sa mga ito kaya naman natatawa niya itong sinaway.
"Mga anak naman, para namang ngayon lang kayo nakakita ng magkamukhang tao. Eh apat nga kayong magkakamukha" suway sa mga anak.
Hindi na nakapagsalita ang mga ito. Muli akong napatingin kay Piero pero kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng muli kong makitang titig na titig siya sa akin, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis niya akong inirapan at tsaka nagiwas ng tingin. Napanguso na lamang ako.
Kung ano anong tanong ang ibinato sa akin ng mga ito, halatang interisado na makilala ako. "Bakit hindi silang dalawa ni Sachi ang inampon niyo Mommy?" Tanong pa ni Kuya Cairo dito.
Dumating ang mirienda. Kaagad akong napangiti ng makita ang malaking bowl na puno ng Kikiam. Kaagad iyong inilapag ng kasambahay sa gitna ng malapad na center table sa kanilang sala kasama ng lasagna. Muling nagbalik sa akin ang unang araw ko sa kanila nuon, ganitong ganito din ang mga pagkain.