Chapter 13

109K 3.9K 842
                                    

Walang Puso





Halos mamanhid ang aking buong katawan dahil sa pagkakatitig nito sa akin. Muli ay nangusap nanaman ang kanyang mga mata, para bang pilit na sinasabi nito na magsalita ako.

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng hawak sa akin ni Piero, dahil sa sobrang higpit at diin nuon ay nararamdaman ko na ang pagbaon ng kanyang kuko sa aking balat.

"Ba...bakit ba?" Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya kasabay ng bahagyang pagbawi ng braso ko mula sa maghigpit niyang pagkakahawak.

Nabigla ako ng makita kong may tumulong luha sa kanyang kanang mata. Muli akong napatitig sa kanya, nawala ang isip ko sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso, nasa kanya na ngayon ang buong atensyon ko. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?.

"Bumalik ka ba para sa akin Sachi?" Emosyonal na tanong niya sa akin. Kinilabutan ako dahil sa narinig, ramdam na ramdam ko sa boses ni Piero ang lungkot at sobra sobrang pangungulila sa babaeng nagngangalang Sachi. Sino ba si Sachi?.

Ni hindi man lang ito kumurap habang nakatitig sa akin. Bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi. Mamaya ay muling tumulo ang kanyang masasaganang luha bago siya pagod na ngumisi. "Araw araw akong paunti unting namamatay, miss na miss na kita..." sabi pa niya sa akin.

Hinyaan ko siya. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon sa aking mukha. Nakatingin siya dito na para bang nabubuhay sa mukha ko ang babaeng kinakausap niya.

"Araw araw akong namamatay Sachi..." pumiyok pang sabi niya, ramdam na ramdam ang pagsusumamo sa kanyang mga salita. Nagmamakaawa.

"Piero...Sir?" Hindi siguradong pagtawag ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung paano ko siya tatawagin.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay nito bago siya tuluyang mariing napapikit. "Leave" matigas na utos niya sa akin kaya naman nataranta ako.

"Piero...Sir" muling pagtawag ko sa kanya.

"I said leave!" Sigaw niya at kaagad niyang hinawi ang pagkain sa may kitchen counter. Napaiktad ako sa gulat dahil sa biglaang pagwawala nito.

"May nagawa po ba akong mali?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

Habol habol nito ang kanyang hininga. "So...sorry po" nanginginig na sabi ko. Dala ng takot ay hindi ko na napigilan ang paggaralgal ng aking boses.

Dahan dahang bumalik ang tingin niya sa akin. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na para bang maging siya ag naguguluhan din.

Bayolente akong napalunok para tanggalin ang kung anong malaking bagay na nakaharang sa aking lalamunan. "Sorry kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan, hindi ko na uulitin" malumanay na sabi ko sa kanya. Pilit na pinapababa ang aking pagkatao para lamang hindi niya ako paalisin dito sa kanyang Condo.

Kay Piero na ako nakadepende ngayon, simula ng lumabas kami ng aiport kanina. Hindi ko alam ang buhay dito sa Pilipinas. Nagtiwala si Papa dito kaya naman nasisigurado kong mas magigiling ligtas ako sa poder ni Piero kahit pa ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Itinaas niya ang kanyang kamay sabay turo sa bodega. Nagiwas na din siya ng tingin habang unti unting humupa ang kanyang galit. "Pumasok ka na" utos niya pa sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Gusto kong maiyak sa tuwa. Buong akala ko ay papalayasin niya na ako dito sa kanyang condo. Hindi na ako nagsalita pa, mabilis kong pinulot ang backpack na binitawan ko kanina at lakad takbo ang ginawa papasok sa kwartong sinasabi niya.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon