Chapter 18

108K 3.9K 984
                                    

Sa lumang gusali



Matapos kong damhin ang init ng yakap ni Piero ay kaagad akong napasigaw ng kaagad kong maramdaman ang paghihina nito.

"Lance!" Sigaw na tawag ko dito para humingi ng tulong.

Humahangos na lumapit si Lance sa amin at tsaka mabilis na inakay si Piero papasok sa kanyang kwarto. Hindi na ako nagdalawalang isip pang pumasok duon, sumunod ako kay Lance para tulungan siya. Kaagad na kumalat ang dugo sa kulay puting kombre kama ni Piero dahil sa tama nito sa kanyang balikat.

"Anong kailangan?" Natatarantang tanong ko kay Lance.

Hinawakan ako nito sa braso. "Wag kang mataranta, hindi natin siya magagamot. Relax" pagpapakalma niya sa akin at siya na ang tumakbo palabas ng kwarto para kuhanin ang kailangan.

Nagaalala akong nakatingin sa walang malay na si Piero. Ang kanyang tuyong tuyo na labi ay halos mamuti na. Presko itong nakahiga sa kanyang kama na puno ng bahid ng dugo. Maya maya ay bumalik si Lance na may dalang bimpo, palanggana at medicine kit.

"Hindi ba natin siya dadalhin sa Hospital?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Umiling ito habang maingat na ginugupit ang suot na damit ni Piero. Nanatili ako sa kanyang tabi at pinapanuod ang kanyang ginagawa. "Sa tagal namin sa trabahong ito, alam na namin ang gagawin sa ganitong sitwasyon" kwento pa ni Lance sa akin habang nilalagyan ng alcohool ang bimpo na ipanglilinis niya sa sugat ni Piero.

Mahinang napatawa si Lance ng makitang handa akong hipan iyon sa oras na idampi niya ang alcohol sa sugat ni Piero.

"Wag kang magalala, tuturukan ko siya ng anesthesia" paninigurado pa niya sa akin. May inilabas siyang maliit na syringe. Tinapik tapik ito bago niya iyon itinurok sa braso ni Piero kung saan malapit ang kanyang sugat.

"Nagdoctor ka ba?" Panguusisa ko sa kanya. Nakangisi itong umiling.

"Kasama iyon sa training namin bilang isang agent. Kung wala tayong dalawa dito at si Piero lang magisa. Kayang niyang gamutin at linisin ang sugat niya sa oras na gumising siya" kwento pa niya sa akin na hindi ko kaagad pinaniwalaan.

"Pwede siyang maubusan ng dugo" giit ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Kung mamalasin, kaya nga hindi rin kami mapakali ni Sarah sa bulacan pag si Piero lang ang nandito sa manila" nagaalalang kwento pa niya sa akin.

Muli akong napatingin sa natutulog na si Piero. "Ang tapang ni Piero" namamanghang sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Hindi na ako umimik pa ng magsimula na si Lance na tanggalin ang bala sa braso nito. Gusto kong masuka dahil sa dami ng dugo, pero nilakasan ko ang loob ko. Hawak hawak ko ang kamay ni Piero habang tinatahi ni Lance ang sugat nito.

Nang matapos niya ng linisin ang sugat nito ay pinagtulungan naming alisin ang kombre kamang may dugo. Tanging ang suot na pantalon na lamang ni Piero ang suot niya, hindi na sinuotan ni Lance ito ng pangitaas na damit.

"Sa labas lang ako sandali, may gusyo ka bang ipabili?" Tanong nito sa akin ng maiayos na namin si Piero.

Napanguso ako. "Wala akong pera eh..." nahihiyang sabi ko sa kanya.

Napangisi ito. "Ikaw naman, ano ba iyon?" Tanong pa niya sa akin. Kaya naman kaagad kong sinabi sa kanya ang gusto kong ipabili.

Nang tuluyang makaalis si Lance ay malaya kong napagmasdan si Piero. Ang gwapo nito, ang tanhos ng ilong, kissable lips, fine jawline, ang kanyang kilay ay parang galit at laging seryoso kahit na natutulog siya. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa katawan nito. Kitang kita mo ang kurba sa kanyang mga katawan, yung sa abs, yung sa braso. Halatang batak na batak.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon