Bagong CEO
Umiiyak kaming magkayakap ni Papa nang abutan kami ni Rajiv. Hindi na namin napasin pa ang pagkatok niya, napahinto na lamang kami dahil sa pagbukas niya ng pinto. "What's happening here?" Nagaalalang tanong niya sa amin.
Kaagad bumagsak ang aking mga mata sa sahig habang marahang pinupunsan ang aking luha. Napaayos din ng tayo si Papa at kaagad na nagpunas ng luha. "Sobra ko lang namiss si Amaryllis" sagot ni Papa sa kanya kaya naman kaagad ko siyang nilingon, binigyan niya ako ng makahulugang tingin na para bang sumangayon na lang muna ako sa kanyang plano.
Umalis din sina Papa ng hapong iyon. Ayoko pa sanang umalis sila, pero siya na din ang nagsabi na makakabuti iyon. Babalikan din naman nila ako kinabukasan. "Nagpahanda ako ng dinner para sa atin Amary" malambing na sabi ni Rajiv at nagawa pang humalik sa aking ulo. Nagulat ako dahil sa ginawa niyang iyon kaya naman kaagad din akong umiwas.
Rumehistro ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking ginawa. Pagod niya akong nginitian bago niya ako iginaya patungo sa may dinning. Napatingin ako sa iba't ibang klase ng ulam na nakahain sa taas ng lamesa. "Kung may gusto ka pa, pwede tayong magpaluto" nakanhiting sabi pa niya na kaagad ko lamang inilingan.
Tahimik akong umupo sa upuang hinila pa niya para sa akin. Napakagat labi ako ng muli kong maalala si Piero. Kung paano kami sabay kumain sa may kubo, kahit hindi ganito kadami ang mga pagkain ay masaya na kami. Napaiktad ako ng hawakan ni Rajiv ang kamay kong namamahinga sa itaas ng lamesa.
"Kailangan mo nang masanay sa paghawak ko sayo Amary, we're going to do more than that, after the wedding" nakangising sabi pa niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao kasabay ng pagtaas ng aking mga balahibo.
Hindi ko sinagot ang sinabi niya, nanatili akong tahimik. Kailangan kong kumain para batang dinadala ko. Mas lalo akong dapat maging malakas para sa aming dalawa. Ramdam ko ang tingin ni Rajiv sa akim dahil sa magana kong pagkain. Marahil ay iniisip niyang nagiging kumportable na ako sa kanya, Nagkakamali siya kung ganuon.
Mayroon akong pansamantalang kwarto sa kanyang bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang irespeto ni Rajiv ang aking kahilingan na wag matulog sa kwarto niya. "That's fine with me, but after the wedding sa kwarto ko na ikaw matutulog" paalala pa niya sa akin.
Hindi ko siya magawang matingnan sa mata. Nanatili ang tingin ko sa kanyang dibdib. Dahan dahan siyang lumapit sa akin, itinaas niya ang ulo ko gamit ang kanyang hintuturo sa aking baba. Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao ng marahan niyang angkinin ang aking labi. Hindi ako pumikit, nabato ako sa aking kinatatayuan.
Kaagad akong nagiwas ng tingin nang lumayo na siya sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Mahal kita Amaryllis. Akin ka lang" paos na sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang aking dibdib. Para lang ako kay Piero, walang ibang nagmamay ari sa akin kundi si Piero lang.
Umalis din si Rajiv ng hindi ko siya sinagot. Bagsak ang kanyang balikat ng pumasok sa kanyang sariling kwarto. Alam kong mabuting tao din si Rajiv, iba din siya magmahal. Pero hindi ko maAappreciate iyon dahil hindi naman ako ang taong para sa kanya. Sana dumating ang araw na marealize niyang he deserve better. Deserve din naman niyang mahalin, pero hindi ako iyon.
Halos magiisang oras na din akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Marahan kong hinihimas ang aking tiyan. "Magpapalakas tayo, babalikan natin si Daddy..." emosyonal na pagkausap ko sa kanya. Napangiti ako ng muli kong maisip na mabibigyan ko ng anak si Piero. Matagal ko nang iniisip kung anong pwede kong iwanan sa kanya kung sakaling mawala ako. Ayoko siyang magisa kaya naman aalagaan ko ang magiging anak namin, para ito sa kanya.