Death
Naramdaman ko ang pagangat ko sa lupa dahil sa pagbuhat sa akin ni Piero. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata, takot na sa oras na tingnan ko siya ay makita ko ang kanyang pagluha. I hate to see him this way. I don't him this weak.
Habang dinadama ang kanyang dahan dahang paglakad habang buhay ako, kasabay nuon ang pagbalik ng mga alaala. Paano ko minahal si Piero? Kailan ko minahal si Piero? Nuong mga panahong nakipagagawan siya sa akin ng kikiam. Yung mga panahong galit siya sa parents niya dahil naiirita siya sa akin. Mas gusto niya ng bagong sasakyan bilang graduation gift kesa sa isang kapatid.
Halos hindi ko maisara ang bibig ko sa tuwing uuwi si Mama Maria sa bahay, palaging may dalang paper bag na may lamang pasalubong para sa akin.
"This dress looks good on you hija...napakagandang bata" malambing na puri niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang dress na binili niya para sa akin. Alam kong mahal iyon.
"Yuck"
Napawi ang ngiti sa labi nito. Bago namin sabay na nilingon ang pintuan. Duon ay nakita ko si Kuya Piero, masama ang tingin sa akin habang nakahalukipkip na nakasandal sa may hamba ng pintuan.
"What did you say Piero?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa anak. Ngumuso ito, muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Ayaw niya talaga sa akin, sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin, alam kong ayaw niya sa akin.
"Saan mo niyo po ba napulot ang batang iyan, Mommy. Baka mamaya nagiging chanak iyan sa gabi" inis at iritadong sabi niya. Narinig ko ang paghalakhak ni Mama Maria. Aliw na aliw dahil sa sinabi ng anak.
Pinanuod ko kung paano mamula ang mukha ni Mama Maria dahil sa pagkakatawa. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli kong ibinalik ang tingin ko sa nakasimangot pa din si Kuya Piero.
"Ang gandang bata ni Sachi, sa tingin mo ba ang magiging chanak ang ganyang kaganda, anak?" Tanong pa ni Mama Maria sa kanya. Mula sa pagkakabagsak ng tingin ko sa sahig, muli kong sinulyapan si Kuya Piero.
"She's not even pretty, Mommy" masungit na sabi niya bago niya kami tinalikuran.
Sa buong pamilya Herrer, si Kuya Piero ang lagi kong napapansin. Palibhasa ay sa kanilang lahat, siya lamang itong nakakakuha ng atensyon ko. Hindi ko naman siya gustong tingnan ay talaga namang napapatingin ako dahil ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin.
"Ibibili mo na ako ng bagong cellphone, Mommy?" Rinig kong excited na tanong niya kay Mama Maria. Nasa mall kaming tatlo ngayon, ramdam kong gusto niyang masolo ang Mommy niya, pero hindi pumayag si Mama Maria na hindi ako isama at maiwan lamang sa bahay.
"Oo anak, but I have to go to the bank first. Bantayan mo ang kapatid mo habang nasa loob ako"
Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa biglaan nitong paglingon sa akin. Namuo nanaman ang galit sa kanyang mukha. Palibahasa, ang tingin niya sa akin ay perwisyo, hadlang. Pakiramdam niya inaagaw ko ang pamilya niya dahil sa atensyong natatanggap ko galing sa mga ito.
Bumaba ang tingin ko sa suot kong kulay asul na dress. Dahil sabil si Mama Maria sa babaeng anak, halos gawin niya na akong manika sa mga damit at gamit na binibili niya para sa akin. Bahagyang umangat ang tingin ko ng maramdaman ko ang paglapit ni Kuya Piero sa akin.