Tapos na
Naging maluwag si Rajiv sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Natatakot pa din ako na sa isang iglap lang ay magbago ulit ang lahat. Busy siya ngayon sa problema ng companya kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagod niya sa tuwing tumatawag siya sa akin at nangangamusta.
"Ibig mong sabihin si Piero ang dahilan kung bakit unti unting bumabagsak ang mga dela rama?" Tanong ni Papa sa aking isang umaga nang mapagpasyahan kong duon kumain ng almusal sa kanila.
"Ang alam ko po may plano siya"
Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Nagiwas ako ng tingin ng makita ko kung paano sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Mahal na mahal ka talaga ng batang iyon" nakangiting sabi sa akin ni Papa. Tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot. "Nagmahal po ba kayo ng iba bukod kay Mommy?" Panguusisa ko sa kanya. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Nawala din naman iyon ng makabawi siya.
Humugot siya ng malalim na paghinga. "Hindi na. Hindi ko na yata kayang magmahal pa ng iba" paos na sagot niya sa akin. Nakatitig siya sa kanyang pagkain. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Papa. Mahal niya pa si Mommy, ramdam ko iyon.
Napanguso ako. Tumingin sa malayo at kinundisyon ang akong sarili. "Si Piero kaya?" Halos pabulong na tanong ko, bumalik ang tingin ko kay Papa ng marinig ko ang kanyang pag ngisi.
"Gusto mong magmahal siya ng iba bukod sayo?" May bahid ng paghamong tanong ni Papa sa akin.
"He deserve it Papa, ayoko siyang matali sa akin. Paano kung hindi na ako makabalik?" Malungkot na tanong ko. Pilit kong iniiwasang maging emosyonal. Nitong mga nakaraang araw ay madalas na ang pagsikip ng aking dibdib. Mas matindi at mahaba ang nararamdaman kong pagkirot.
Tinitigan ako ni Papa, wari'y may hinihintay na iba pang reaksyon galing sa akin. "Makakahanap pa si Piero ng iba, yung hindi siya iiwan" patuloy ko pa, sinabi ko iyon kahit mabigat sa aking dibdib.
Kaya ko nga ba? Isipin ko pa lang na may ibang babae sa buhay niya parang hinihiwa ang dibdib ko. Unti unting nadudurog ang puso ko. Pero ayokong maging selfish, ayoko siyang iwan magisa. Ang matapang na tingin ni Papa sa akin kanina ay dahan dahang napawi. Akala ko ay may sasabihin pa siya, pero sa huli, naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Alas nuebe ng umaga nang may humintong kulay itim na SUV sa tapat ng aming bahay. Napatayo ako ay mabilis na nagpaalam kay Papa. Pinadala iyon ni Piero para sunduin ako. Pinayagan niya akong dumalaw ulit sa kanya sa opisina.
"Aalis na po ako"
Ngumiti ito sa akin matapos ko siyang halikan sa pisngi. Pagkatapos ng paguusap namin kanina, pansin ko na ang pagiging matamlay nito. "Pa...ayos ka lang po?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin at marahang umiling. "Medyo sumakit lang ang ulo ko anak" pagdadahilan niya sa akin.
"Hindi na lang po ako aalis Papa, sasamahan ko na lang po kayo dito" pagprepresinta ko.
Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at tsaka marahang tinulak palabas. "Sige na at puntahan mo na si Piero. Siguradong hinihintay ka na din non" pagtanggi niya sa alok kong samahan na lamang siya duon.
May pagaalinlangan akong tumuloy sa aking lakad. Wala din kasi ang aking kapatid na si Akie dahil sa pagpasok nito sa eskwela. Kahit sa byahe, kalahati ng aking isipan ay si Papa pa din ang iniisip. Alam ko namang simpleng sakit lamang iyon ng ulo pero iba pa din pag may nagaalaga sayo.