Swimming Competition
Hindi nawala sa aking isip ang sinabing iyon ni Piero at ang ala alang bumalik sa akin. Mabigat ang aking dibdib habang paulit ulit na tumatakbo iyon sa aking isipan. Ayokong paasahin ang aking sarili, pero mayroon maliit na parte sa akin na nagbuhayan at nagkaroon ng pagasa.
"So hindi ka na pinapansin ni Chito?" Panguusisa sa akin ni Julie kinaumagahan pagpasok ko sa trabaho.
Inilingan ko siya habang patuloy pa din ang aking pagkain. Nakatingin lamang siya sa akin kaya naman kaagad akong nakaramdam ng pagkailang. "Oh bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumaas ang kabilang gilid ng labi nito. "Naku, kailangan ng magisip isip ni Piero. Dapat ay pakasalan ka na niya, kung hindi baka maagaw ka pa ng kung sino" pagbabanta niya kaya naman mahina akong napatawa.
Pinanlakihan niya ako ng mata dahil sa aking ginawa. "Totoo naman ah!" Giit niya sa akin.
Napanguso ako bago napangisi, napaiwas ako ng tingin sa kanya. Dumako anh tingin ko sa malayo bago ako napabuntong hininga. "Mas natatakot nga ako. Siguradong maraming babaeng nagkakagusto kay Piero, mas maganda at mas mayaman. Yung babaeng mas nababagay sa kanya" malungkot na sumbong ko dito hanggang sa bumagsak ang aking mga mata sa pagkain.
Napadaing ako ng mabilis niya akong hinampas sa braso. Napahawak ako duon at tsaka siya sinamaan ng tingin. "Aray ko ha, masakit iyon" reklamo ko sa kanya.
Imbes na magsorry ay nagtaas lamang siya ng kilay at mas lalong nagsungit. "Ang baba naman ng self confidence mo girl, hiyang hiya ako" mapanuyang sabi niya sa akim kaya naman napangiti na lamang ako.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Paanong hindi bababa ang self confidence ko, hanggang ngayon ay nagtatago pa din ako sa katauhan ng aking kapatid. Lahat ng ginagawa ni Piero para sa akin at para kay Sachi. Kung alam niya lang na si Amaryllis ako ay baka pinalayas na niya ako sa bahay niya at pinatapon sa kung saan.
"Komplikado kasi" mahinang sabi ko kay Julie kasunod ng isang malalim na paghinga.
Napangiwi ito. "Komplikado din pala ang love story niyong gwapo at magaganda. Hindi unfair ang life" pangaasar niya sa akin.
Malungkot ko siyang tiningnan. Unfair ang buhay.
Nawala ang gana kong kumain dahil sa naging paguusap namin ni Julie. Muli kong naisip si Piero, masaya siya ngayon, ramdam ko na muli siyang nabuhayan. Parang unti unting bumalik ang kulay ng buhay niya ng sabihin ko sa kanyang ako si Sachi. Kahit masaya ako para sa kanya hindi pa din maiwasang hindi ako malungkot, kung pwede lang...handa ulit akong makipagpalit sa kapatid ko. Para sumaya si Piero, para kay Piero.
Pagkatapos ng aking trabaho ay dumiretso na ako umuwi sa bahay. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan, para bang apektadong apektado din ito sa bigat ng aking nararamdaman. Habang tumatagal ang araw na nagpapanggap ako bilang si Sachi at niloloko ko si Piero ay mas lalo lamang naiipon ang guilt sa puso ko.
"Sachi!" Humahangos na salubong ni Lance sa akin. Nasa may gate pa lamang ako ay ngiting ngiti na ito.
Mabilis kong nabitawan ang mga hawak kong plastick sa ipinakita niya sa akin. "Sayo na lang ito, ikaw na ang magalaga" abot niya sa akin ng isang maliit na tuta.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang maingat ko iyong kinuha mula sa kamay ni Lance. "Magiisang buwan palang yan, totoong shih tzu yan ha" pagmamalaki pa niya sa akin kaya naman kaagad na lumawak ang aking ngiti.