Chapter 41

106K 3.5K 537
                                    

Ang nakabangga





Nabato sa aking nakita. Naikuyom ko ang aking kamao kasabay ng paginit ng gilid ng aking mga mata. Naramdaman ko din ang pagsakit ng aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng luha. Hindi ko inakala na sa lahat ng lugar dito ko ito makikita. Siya mismo ang nagdala sa akin sa katotoohanan.

"Amaryllis..." tawag sa akin nang kababalik lang na si Xalaine. Nagtataka ito dahil sa aking pagkakatitig sa lumang sasakyan.

"May problema ba?" Pahabol na tanong pa niya kaya naman kaagad na bumagsak ang aking mga mata sa lupa para pawiin ang pabagsak na sanang mga luha.

"Wala...ayos lang ako" mahinang sabi ko. Tipid kong nginitian si Xalaine para ipakita sa kanya na ayos lang ako. Tumango tango siya bago niya ako muling inayang sumakay na sa Golf car. Nagpatinaog ako sa kanya at tahimik na nakisakay duon, panay ang kwento ni Xalaine tungkol sa buong lugar pero naiwan ang isip ko duon sa may sasakyan.

Nabalik lamang ako sa wisyo dahil sa pagtili nito. Kaagad ko siyang nilingon at tsaka lumipat ang tingin ko sa lalaking nakasakay sa kabayo na sumasabay sa pagandar ng gold car.

"Pwede ba, alis ka nga dito" inis na pagtataboy niya dito. Hindi kagaya kanina ay nakasuot na ito ng puting tshirt.

"Sayo ba ang daan Herrer?" Seryosong tanong nung lalaki na sa pagkakatanda ko ay Rafael ang pangalan.

"Hindi, at hindi din naman sa iyo kaya chupi ka!" Mataray na sabi pa ni Xalaine sa kanya kaya naman nakita ko kung paano nagigting ang panga ng lalaki.

Natahimik ang mg ito pero hindi pa din tumigil ang lalaki sa pagsunod sa amin sakay ng kanyang kabayo. Kahit anong pilit bilisan ni Xalaine ay naabutan pa din kami. "Sino ba iyon?" Tanong ko sa kanya, lukot na lukot ang kanyang mukha dahil sa presencya ng lalaki.

"Panira yan ng bakasyon as always. Akala ko next month pa ang dating kaya maaga akong nagbakasyon dito, inis" magkasama pang pagmamaktol na kwento niya sa akin kaya naman hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Pareho pareho kasi sila ni Piero pag nagmamakatol, parang mga bata magpinsan nga talaga ang mga ito.

Huminto kami ni Xalaine sa isanh burol. May malakinh puno duon ng Acasia kaya naman duon kaagad kami tumakbo para sumilong. Mula sa malayo ay nakita ko pa din si Rafael sakay ng kanyang kabayo. Nakatingin lamang ito kay Xalaine na para bang binabantayan niya ito, pero hindi na siya nagabala pang lumapit sa amin.

Padabog itong umupo sa malaking bato kaya nama sumunod ako sa kanya. "Hindi ka ba nabwibwiset sa kuya Piero ko? Bwiset iyon eh, para si Kuya Eroz ko" nakabusangot na tanong pa niya kaya naman muli akong napangiti.

Napanguso ako bago ko iginala ang aking mga mata sa malawak na kapatagan sa ilalim ng burol. "Nabwibwiset din" natatawang sagot ko sa kanya.

Napangisi siya. "Eh bakit ka nakipagtanan? Naku mas lalo ka lang mabwibwiset dun" pananakot niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian.

"Mahal ko siya eh, kaya kahit nakakabwiset siya...sasama pa din ako sa kanya kahit saan" malumanay na paliwanag ko sa kanya kaya naman napaawang ang kanyang bibig.

"Seryoso ka talaga?" Paninigurado pa niya sa akin kaya naman nakangiti akong tumango tango sa kanya.

Humaba ang kanyang nguso. "Ang swerte naman ng kuya Piero ko sayo..." sabi pa niya kaya naman muling uminit ang pisngi ko.

"Swerte din naman ako kay Piero. Mas swerte ako" sabi ko pa kay Xalaine kaya naman sinulayapan na lamang niya ako. Nagiwas ako ng tingin at kaagad na tiningala ang langit, malapit ng lumubog ang araw. Muli nanaman itong mamamatay para magliwanag ang buwan. Parang dalawang taong nagsasakripisyo para mabuhay ang isa.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon