Chapter 12

114K 4K 730
                                    

Strawberry Allergy






Ilang minuto akong nakatitig sa papel na iyon. Halo halo ang aking nararamdaman pero mas nangingibabaw ang takot. Hindi ko kakayaning mabuhay na hindi kasama sina Papa at si Akie. Sila na lang ang meron ako, hindi pwedeng magkahiwahiwalay kami.

"Pero ate Daisy, sino po ba ito?" Panguusisa ko pa sa kanya.

Napakibit balikat din siya. "Hindi ko din alam Amaryllis eh, kung alam mo lang kung gaano ka namin gustong tulungan. Hindi na nga din mapakali sina Ate Jane at Evelyn mo eh" malungkot na sabi pa niya sa akin.

Muli akong napaiyak. "Ayoko pong umalis dito, aalis lang po ako kung kasama sina Papa at Akie" umiiyak na pakiusap ko pa sa kanya.

Buong lambing niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Magiging ayos din ang lahat, may rason kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay...hindi ka pababayaan ng Diyos, maging matatag ka lang" pagpapalakas pa niya ng aking loob.

Hindi na lamang ako nakasagot pa at tsaka mabilis na yumakap kay ate Daisy. "Natatakot po ako" patuloy na sumbong ko sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang malambing na paghaplos nito sa aking likuran.

"Tatagan mo ang loob mo" paulit ulit niyang paalala sa akin.

Tahimik lamang ako habang nasa loob ng presinto. Hindi mawala sa aking isip sina Papa at Akie, paano pag umalis ako? Paano sila? May edad na si Papa, masyado bang bata ang kapatid ko. Mas lalong matatagalan ang pagiipon nila para makasunod sa akin sa pilipinas.

Naputol ang malalim kong pagiisip ng tawagin ako ng isa sa mga pulis. Inanunsyo nito na mayroon akong bisita. Dahan dahan akong tumayo para lumabas ng selda. Si Ate Daisy ang inaasahan kong bibisita sa akin, pero nagulat ako at muling naiyak ng makita ko si Papa. Tatakbo na sana ako para yakapin siya ng mabilis niya akong sinenyasan na wag magpapahalata.

Sandaling umurong ang luha ko ng tuluyan kong makita ang kanyang itsura. Nakasuot ito ngayon ng uniporme ng delivery man ng noodle house. Duon ay napagtanto ko ng hindi ako pwedeng magpahalata na siya ang Papa ko.

Nanghihina akong umupo sa kanyang harapan, patuloy ang pagtulo ng masasaganang luha. Halos hindi ko na makita ng maayos si Papa dahil sa panlalabo ng aking paningin.

"Kamusta ka dito anak?" Emosyonal na tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok para pawiin ang kung anong malaking bagay na nakabara sa aking lalamunan. "Ayos lang po ako Papa" pagsisinungaling na sagot ko sa kanya habang pinipilit na patatagin ang aking boses. Kaunti na lamang ay pipiyok na ako dahil sa pagpipigil ng iyak.

Dahan dahan niyang hinawakan ang nakapatong kong kamay sa ibabaw ng lamesa. "Pasencya ka na kung wala akong magawa" pumiyok na sabi pa niya sa akin kaya namang bumigat ang aking dibdib.

Hindi ko makayanang makita si Papa na umiiyak sa aking harapan ngayon. Sobrang bigat nuon sa aking dibdib. Lalo pa at paulit ulit niyang sinasabi na wala siyang kwentang ama dahil wala siyang magawa.

"Napakawalang kwenta ko talaga" paguulit pa niya kaya naman marahan kong pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Wag niyo pong sabihin yan Papa, hindi po yan totoo. Ginawa niyo po ang lahat ng makakaya niyo para bigyan kami ng magandang buhay ni Akie" pagpapaalala ko pa sa kanya.

Marahas itong napailing kasabay ng patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. "Kung totoong nagawa ko na ang lahat, wala ka sana sa sitwasyong iyan anak" patuloy na paninisi niya sa kanyang sarili.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon