Chapter 55

103K 3.3K 469
                                    

Can I sleep?






Letting go of someone ismgood sometimes, not just good. But, for the better. Hindi porket alam kong mahal ako ni Piero ay hahatakin ko siya pababa kasama ko. I know he can do more, marami nga namang magagawa kung kasama ko si Piero. He has everything. Money, power, name it. Pero he can never pay for my life. Kahit ilang milyon ang ilabas niya kung hindi ako makakasurvive, hindi ako makakasurvive.

"Kain na Amary" marahang tapik ni Rajiv sa akin. Nanatili akong nakahiga kahit pa gising na ako. Pumikit, habang maraming iniisip.

Masyado silang busy ni Daddy para sa pagalis namin patungo sa america. Duon, lalaban ako.

Tipid ko siyang nginitian ng buksan ko ang aking mga mata. "Good morning..." pagod na bati ko sa kanya. Ramdam ko ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha.

Hindi nakangiti si Rajiv, nagiwas itonng tingin. Hindi magawang ibalik ang pagbati ko ng magandang araw.

"Ako ang nahihirapan sayo Amary. Why do you keep acting like everything is normal?" Giit niya. Sinubukan kong umayos ng upo, kahit galit ay nagawa niya akong alalayan. Rajiv is indeed my bestfriend. May naging problema man kami ay alam kong siya pa din yung Rajiv na bestfriend ko nuon.

Nang makaayos ng upo at makasandal sa head board ng kama ay muli ko siyang tipid na nginitian. "Everything is normal Rajiv..." puna ko, nagtaas siya ng kilay. Ayaw tanggapin ang aking sinabi.

Bayolente akong napalunok. "Lahat naman ay mamamatay, ganuon talaga. May mga taong mauuna" paliwanag ko sa kanya. Kita ko ang pagpula ng kanyang mga mata.

Marahas niyang pinawi ang nagbabadyang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tumalim ang kanyang tingin sa akin. "And you seems ok with that? Naiiwan mo kami, ganuon?" Galit na tanong niya, may halong tampo ang kanyang boses.

Ngumiti ako, puno ng sakit. "Because, hanggang dito na lang ako" pumiyok na sagot ko sa kanya. As much as i want to stay, what can i do? This is my timeline. Bago pa man ako maipanganak sa mundong ito, nakatakda na kung hanggang kailan lang ako. What can i ask for? Hiram ko lang din naman ang buhay ko.

Hindi nawala ang talim ng tingin ni Rajiv sa akin. Sa huli, kita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata, imbes na ipakita iyon sa akin ay lumabas na lamang siya at tsaka ako iniwan duon. Kahit nanghihina, pinipilit ko pa ding kumain. Para iyon sa baby ko, kung ako lang naman hindi ko nakailangan pang pumunta ng America para magpagamot. Pero dahil nandito siya, susubok ako.

Kahit siya lang. Basta ay makaligtas siya.

Mahina ang katawan ko, pero hindi ganuon kahina para maging bed ridden ako. I can still do my daily routine.

"Do you need anything?" Salubong na tanong ni Rajiv sa akin ng makita niyang pababa ako mula sa second floor. Umiling ako, nagpatuloy sa paglakad.

"I booked us a ticket. Next week...5 days from now to be exact" paliwanag niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa kanyang laptop. Tumango na lamang ako at hindi na umimik pa. 5 days, i still have 5 days to do something? Anong pwede kong gawin?

Sa huli, mas pinili kong puntahan si Mommy. Kahit pa hindi ko gusto ang mga sinasabi niya kung minsan ay kailangan ko pa ding siyang kausapin. Kailangan niyang malaman ang mga pwedeng mangyari.

"At wala talagang kasal?" Galit na tanong niya sa akin. Hindi ako umimik, nanatiling kalmado. Mariing pinagmamasdan ang kanyang mga galaw habang siya ay patuloy sa pagrereklamo. Inis na inis dahil sa mga nangyari.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon