Bagong kaibigan
Sandaling naging mailap si Sachi sa akin pagtapos ng tagpong iyon. Pero kaagad din niya akong pinansin ng sabihin ko sa kanyang kailangan na naming umuwi.
"Paano pag nakita nila mommy at daddy yang sugat mo?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay habang dahan dahang inaalis ang benda sa aking kamay. Napaawang ang bibig nito habang pinapanuod ang aking ginagawa. Napangisi na lamang ako habang pinagmamasdan ang reaksyon nito. It's fucking priceless.
"Anong ginagawa mo kuya?" Hindi mapakali na tanong niya sa akin.
"Hindi nila malalaman, kung walang magsasabi" pagbabanta ko pa sa kanya. Humaba ang kanyang nguso at kumunot ang kanyang noo.
"Kailangan mong maging sabihin sa kanila ang totoo, masama ang magsinungaling" pangungunsensya niya pa sa akin.
Napangisi ako. "Hindi lahat ng totoo kailangan mong sabihin. Some things are meant to be kept" sabi ko pa sa kanya.
Kita ko ang pamomorblema sa kanyang mga mata. "Pag nag college na ako, gusto kong mag nursing tapos mag Doctor ako, para ako ang gagamot kay kuya Tadeo...tsaka sayo" malumanay na sabi pa niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok.
"Tadeo can have his personal nurse, i can't have mine" mapangasar na banat ko sa kanya.
"You can hire naman kuya eh" suwestyon pa niya sa akin. Ang slow amputa.
Nagkibit balikat ako. "I don't let anyone touch me...pihikan ako" nakangising sabi ko sa kanya.
Inirapan na lamang niya ako at hindi ma sumagot. Marahas akong napakamot sa aking ulo. Walang kwentang kausap hayup, babanat pa sana ako. Nagtaka sina mommy at daddy na nakataxi lamang kami pauwi. Sinabi kong nasira ang aking sasakyan kaya naman kailangan ko muna itong iwanan sa pagawaan.
Tumagal ng halos isang sem na matago ko kay Daddy ang paglipat ko ng Course. Hindi kinaya ni mommy ang nangyaring kumprontasyon kaya naman naospital pa ito dahil sa akin.
"Nakita mo na ang ginawa mo sa mommy mo?" Galit na utas ni Daddy sa akin, pagkauwi nila galing sa hospital. Halos tatlong araw na naconfine si Mommy sa hospital dahil hindi kinaya ng puso niya ang sobrang stress.
Maging ang mga kapatid ko ay nagalit sa akin. Maging si Tadeo na nagaaral sa PMA ay umuwi para kamustahin si Mommy.
"Ano bang nangyayari sayo Piero? Sarili mo lang ang inisiip mo" galit na asik sa akin ni Kenzo.
Napangisi ako. "So i'm the black sheep of the fam now?" Mapanuyang tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pagtiim bagang nito maging ang pagkuyom ng kanyang kamao. Mabilis na humarang si Cairo sa aming pagitan.
"Tama na yan. Mas lalo lang lala ang sitwasyon kung magaaway pa kayo" pangaral niya sa amin.
Nakipagtitigan ako kay Kenzo na hindi din naman natinag. Kita ko ang galit niya. Naputol lamang iyon ng biglang tumayo si Sachi at tumakbo patungo sa main door.
"Kuya Tadeo!" Sabik ma sigaw niya.
Mabilis ko silang nilingon. Kaagad na uminit ang ulo ko ng makita ko kung paano niya yakapin ng mahigpit si Tadeo. Nakapikit pa ito na para bang dinadama niya ang yakap na iyon. Kaagad namang ginantihan ni Tadeo ng yakap si Sachi na may kasama pang paghalik sa ulo nito.